C H A P T E R 7 2

977 96 9
                                    

Nang gabi rin na iyon ay pumunta ako sa rooftop. Gusto kong malinawan, gusto kong malaman kung anong sasabihin niya.

Pagkarating sa rooftop ay agad kong ginala ang paningin ko pero wala akong naabutan na kahit na sino.

Pinaglalaruan ba niya ako? Nasaan na siya?

I've decided to stay and wait. Sinandal ko ang dalawang braso ko sa railings at tinanaw ang city lights. Malamig ang simoy ng hangin.

Napatingin ako sa langit at nakita ko ang hindi mabilang na mga bituin, pero tulad ng sinabi ko sa babaeng mahal ko. Iyong pinaka malinaw na bituin pa rin ang hinanap ko.

"Nasaan ka na bituin ko? Ayos ka lang ba? Sinasaktan ka ba nila? Huwag kang mag-alala. .ililigtas kita, babawiin kita kay Misael Saavedra. Babawiin kita sa kamay ng mga taong handang pumatay sa ngalan ng pera. Babawiin kita, babawiin ka namin." sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa espesyal na bituin na iyon sa langit. Iniisip ko na siya si Ella, ang babaeng mahal ko, ang bituin ng buhay ko.

Sunod akong napatingin sa buwan at naalala na naman iyong huling pagkikita namin nung gabi bago siya mawala, sinabi ko sa kanya nun na siya ang bituin ko at sinabi niya naman na ako ang buwan niya.

Napalingon ako sa likod nang marinig kong bumukas ang pinto ng rooftop.

"Oh you're here." aniya sakin.

"What's your name?" gusto ko lang malaman para alam ko kung sinong hahanapin ko just in case na may mangyari.

"I'm Fredd but that's not important. Kailangan mong malayo si Daliah at Thaddeus kay Timothy Claverias."

"Bakit ko naman gagawin yun? They are a happy family." sarkastikong sagot ko.

"You may not understand now but I know you'll understand soon. Totoong kapatid mo si Thaddeus, I'm not in the right position to tell the story but what I'm saying to you right now is you need to take them, away from Timothy. Nanganganib ang buhay nila, sa oras na malaman ni Timothy na hindi niya totoong anak si Thaddeus siguradong papatayin niya sila."

Hindi ako nakapagsalita, hanggang ngayon ay pilit ina-absorb ng utak ko yung mga sinabi niya.

"Nabigay mo ba sa kanya?" sa halip ay tanong ko.

"Yes but I think she can't see you."

"What do you mean?" sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay magaan ang loob ko sa taong kaharap ko ngayon.

"Biglang mas naghigpit si Timothy kaya hindi siya basta-basta makalabas." sagot ni Fredd.

"Hindi pwedeng magawan ng paraan?" nag-aalangang tanong ko.

"Ill see what can I do. Put your number here." inabot niya sa akin ang cellphone niya at agad ko namang nilagay doon ang number ko.

"I'll update you." iyon lang ang sinabi niya at tinapik niya ako sa balikat bago umalis.

Saktong pagkasara ng pinto ay ang pagtunog naman ng phone ko. Tinignan ko 'yon at nakitang tumatawag ang secretary ni Daddy.

"Yes, hello." bungad ko sa kanya. Saglit akong nakinig sa mga sinabi niya bago nagpasalamat at pinatay ang tawag.

Napabuga ako ng hangin, handa na ang lahat, ako na lang yata ang hindi. Makakaya ko kaya? Sana ligtas na sila bago dumating ang araw na iyon dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag hindi pa rin sila nahahanap at naliligtas sa kamay ni Misael.

Bumalik ako sa hospital room ni Kyla dala ang mga panibagong pangamba. Kaya ko pa ba? Tanong ko sa sarili ko. Napailing ako.

KAILANGAN.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon