C H A P T E R 21

1.6K 113 4
                                    

"Itabi mo nga yang basura na yan." malamig na sinabi ni Kiel habang masama ang tingin sa regalo.

Nilagay ko naman yun sa bag ko. "Ano bang problema mo?" naiinis na tanong ko.

"Ano yung sinabi niya kanina?" hindi nakatingin sakin na tanong niya.

"Ang alin? Saka sino ba sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ko.

"Si Kenneth Mendoza. Ano yung sinasabi niya?" bakit niya tinatanong?

"Nothing important." maiksing sagot ko.

"May gusto sa'yo yun." nagtatagis ang bagang na aniya.

"Hindi ko naman siya gusto." nakangusong mabilis na sagot ko.

"Tss. Hindi gusto, pero ang saya-saya mo habang kausap siya." pabulong na aniya pero narinig ko.

"Hindi no! Ano bang sinasabi mo dyan?" inirapan ko siya.

"May gusto ka pa ba sa kanya?" seryosong tanong niya.

"W-wala na." hindi ako sigurado sa sagot ko.

"Hindi ka sigurado sa sagot mo Ella." nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"Is he planning to court you?" muli ay tanong niya.

"Hindi naman ako pumayag. Sabi ko magpaalam siya kina Papa. Alam ko na hindi sila papayag kaya ko sinabi yun."

"Sana sinabi mo na lang kaagad na ayaw mo. Paano kapag pumayag ang parents mo?" naguumpisa na kong mainis sa mga sinasabi niya.

"Hindi sila papayag." agad na sagot ko.

"O baka gusto mo talagang ligawan ka niya?"

"Ano ba Kiel?! Bakit ka ba nagkakaganyan? Kung anu-anong sinasabi mo!" nawawalan na ko ng pasensya eh. Hindi ko siya maintindihan.

Nagtagis ang bagang niya at paulit-ulit na bumuntong hininga.

"Ihahatid na kita." hindi na ako sumagot ng agad niyang paandarin ang sasakyan.

Pag dating sa tapat ng bahay ay agad akong bumaba ng sasakyan. Ang lungkot ng araw na to kahit maraming nangyaring masaya buong maghapon. Yung sa Christmas Party, sa Photo Booth, pagkapanalo namin sa Decor Contest. Lahat yun natabunan dahil sa inasta ni Kiel. Hindi manlang kami nakapag usap ng maayos.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko para maligo at magpalit ng damit. Pagkatapos ay bumaba ako sa sala at naabutan ko sila Mama.

"Oh kanina ka pa?" nagtatakang tanong ni Mama. Wala kasi sila kanina sa sala nung dumating ako kaya di nila ko nakita.

"Medyo po. Wala pa po si Kuya?" tanong ko.

"Wala pa, baka hindi na makauwi yun dahil susunduin nila sa Airport mamaya ang parents ni Joice" ani Mama.

"Mukhang close na po si Kuya sa family ni ate Joice ah?"

"Mababait naman kasi ang family niya." ani mama

"Nameet niyo na po?" tanong ko.

"College batch mates kami ng Papa mo at ang Parents ni Joice kaya pamilyar na kami sa isa't-isa."ani mama

"Ang galing po pala." siguro ay mayaman din ang Pamilya nila ate Joice? Sigurado yun, pinagpatuloy ko na lang yung pagkain ng miryendang hinain ni Manang Rosa.

Nilunok ko muna yung pagkain na nginunguya ko ng may bigla akong maalala.

"Mama ano po ba ang trabaho ng CEO?" maya-maya ay tanong ko.

"Madami anak, bakit?"

"Paano po nagiging CEO? Promotion po ba?" tanong ko.

Kumunot ang noo ni Mama. "Bakit ka ba nagtatanong nak? Ang CEO ay ang may-ari ng isang Company, kung hindi man siya ang may-ari siya naman yung parang may-ari dahil siya ang pinaka mataas. Pwede din na siya ang may pinaka malaking share sa lahat ng stock holders."mahabang ani mama.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon