C H A P T E R 4 9

1.3K 97 5
                                    

(Mikaella Corpuz - Saavedra)

Marahan ang naging galaw ko mula sa pagbaba sa kama ni Cassey, sa paglalakad papunta sa pinto, sa pagbubukas niyon at sa paglabas.

Naging maingat din ako sa paglalakad ko pababa sa kusina, hatinggabi na at mahimbing na ang tulog ni Cassey pero heto ako at parang balisa pa rin, marahil ay namamahay ako kung kaya't hindi ako dalawin ng antok. Ang haba man ng naging pag-uusap naming dalawa tungkol sa mga nangyari sa amin nung bakasyon ay hindi naman naging dahilan iyon para makaramdam ako ng antok.

"Ma'am Mikaella bakit gising pa po kayo?" halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang boses ng isang babae, paglingon ko ay isa pala iyon sa mga kasambahay ng mga Villanueva. Pamilyar na sa akin ang itsura niya, siguro ay matagal na siyang naninilbihan dito.

"Good evening po Manang. Pasensya na po kung nangahas na ako dito, hindi po kasi ako makatulog at nakaramdam po ako ng uhaw kaya bumaba po ako para sana kumuha ng tubig." mahabang paliwanag ko sa kanya. Nginitian naman niya ako.

"Naku hija wala iyon, nagtataka nga ako dahil ngayon ka na lang ulit nabisita dito eh, siya ipagtitimpla kita ng gatas at inumin mo iyon doon sa verandah para makasagap ka tuloy ng sariwang hangin na makakatulong sa iyo para dalawin ka ng antok." napangiti ako sa sinabi niya.

" Effective po ba iyon Manang?" tanong ko sa matanda.

"Oo naman hija, ganoon ang ginagawa ko sa tuwing hindi ako makatulog. O siya halika na sa kusina at ipagtitimpla na kita." hinawakan niya ako sa braso at marahang hinila papunta sa kusina. Nagtuloy muna ako sa ref para kumuha ng maiinom na tubig.

"Ang bait niyo naman po Manang." sabi ko sa ginang habang pinagmamasdan ito sa pagtitimpla ng gatas ngunit natigilan ako kung bakit dalawang baso ng gatas ang ginagawa niya.

"Ang batang ito at nambola pa." natatawang ani Manang. "O heto na ang gatas mo, pumanhik ka na sa itaas at magpahangin sa verandah."

"Salamat po." inabot ko ang baso ng gatas na inaabot ni Manang, mainit init lamang iyon at hindi nakakapaso. "Hindi rin po ba kayo makatulog Manang?" pahabol na tanong ko ng muli akong mapatingin sa isa pang baso ng gatas.

"Oo hija, ganito talaga ako kung minsan, may edad na kasi ako kaya siguro ganito. Kaya ikaw sulitin mo na ang pagtulog ng maayos at maaga habang bata ka pa dahil darating ang panahon na maski ang pagtulog ay hirap ka ng gawin." napaisip naman ako sa sinabi ni Manang, ganun pala ang tao kapag nagkaka edad na?

"Tatandaan ko po iyan Manang. Salamat po ulit." nakangiti kong tugon sa matanda.

"Walang anuman hija, sige lumakad ka na." nakangiti din na aniya sakin.

Pagdating sa verandah ay hindi na ako nag abala pang buksan ang ilaw doon. Ipinatong ko sa lamesang bakal ang baso ng gatas matapos humigop ng konti doon.

Lumapit ako sa grilles ng verandah at sinandal dun ang katawan at siko ko. Tanaw ko mula dito ang mga natitirang bukas na ilaw sa mga kabahayan at ramdam na ramdam rin ang panggabing hangin, malamig at sariwa na nakakapag pagaan sa pakiramdam. Napangiti ako at huminga pa ng malalim upang punuin ang baga ko ng sariwang hangin.

"Binibini? I m-mean Mikaella?" nagulat ako sa boses, sino pa ba? Isa lang naman ang tumatawag sa akin ng Binibini eh, iyong lalaki na tinawag na ako ng ganun simula nang maging ka-partner ko siya sa isang School play nung Elementary ako kung saan siya si Ginoong Romeo at ako naman si Binibining Juliet. Na kalauan matapos ang School play ay naging Binibining Mikay at Ginoong Zachy na.

Si Zachareus. . Nakaupo sa isang silya sa kabilang dulo ng verandah, madilim kasi kung kaya hindi ko siya napansin kanina.

"Zachareus ikaw pala. Nagulat ako sa'yo, kanina ka pa ba diyan?" tanong ko sa kanya.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon