C H A P T E R 7 0

1.1K 82 16
                                    

Warning: halos lahat ng Chapters hindi ko na ine-edit. Tuloy published na ako kaya pasensya sa mga wrong grammar at typo.






"Mama si Zari nasa loob pa!" natatakot na sinabi ng batang babaeng nasa edad pito sa kanyang ina.

"Dito lang muna kayo anak, huwag kayong aalis diyan, huwag kayong papasok sa loob, delikado. Ilalabas ko si Zarinah!" pilit nilalakasan ng ina ang loob na pumasok sa nasusunog nilang bahay.

Naiwan doon ang batang babae at ang pinsan nitong lalaki na kakambal ni Zarinah, umiiyak ang batang babae samantala lihim na nagdarasal ang batang lalaki at umaasang ligtas na lalabas sa pintong iyon ang kanyang tita at kakambal.

Hindi sila mapakali hanggang sa halos pasubsob sa lupa at uubo-ubong bumagsak sa tapat ng pinto ang ginang habang karga ang isang batang babae na nasa edad 9 na taon.

"Mama yung balikat mo po!" sigaw ng  batang babae sa kanyang ina ngunit lumuluha lamang ito habang pilit na ginigising si Zarinah.

Narinig nila ang sirena ng truck na pamatay sunog kasabay ng ambulansya at agad silang dinaluhan ng mga sakay niyon.

Napatay ang apoy ngunit huli na dahil tinupok na nito ng tuluyan ang kabuuan ng malaking bahay.

"Where's my child?!" pasigaw na tanong ng isang lalaking nasa tatlumpu pataas ang edad.

"I'm sorry kuya Misael." iyon lang ang nasabi ng ina ng batang pitong taong gulang.

"What do you mean, Michelle?" tanong ng lalaking kararating, magsasalita na sana ang tinawag na Michelle ng biglang dumating ang isa pang lalaking nasa edad tatlumpu pataas din, sa tabi nito ay ang may edad na ring Donya na ina niya, at ang anak niyang lalaki na panganay nila ni Michelle, labing limang taong gulang pa lamang ito.

"Are you okay hon?" agad nitong niyakap ang asawang si Michelle at sinuri kung nasaktan ba ito.

"I'm okay, but si Z-Zarinah. ." hindi nito natuloy ang gustong sabihin dahil napaiyak na lang ito at isinubsob ang mukha sa tuhod habang nakaupo sa hospital bed.

Bukod sa sunog sa balikat at konting mga pasa at gasgas sa katawan ay wala naman na itong iba pang tinamo mula sa sunog na iyon.

"Where is my daughter?!"  mas mariin nang tanong ng tinawag na Misael.

"She's. . She's g-gone." napayuko si Michelle at umiyak. Nawalan ng malay  ang matandang babae at inasikaso ito ng binatilyong anak nila Michelle, samantala nagwala naman si Misael sa labis na galit.

Niyakap naman ng huling lalaking dumating ang asawa na si Michelle at pilit hinaharangan sa tinuturing niyang kapatid  na si Misael ang asawa niya sapagka't gusto nitong saktan.

Sinisisi nito si Michelle dahil sa pagkamatay ng anak na si Zarinah. Napagbuntunan ni Misael ang batang babaeng edad pitong taon na tulalang nakaupo sa mahabang upuan katabi ang anak niyang kakambal ni Zarinah.

"Paanong namatay ang anak ko gayong walang kagalos-galos ang anak mo?!" sigaw ni Misael at pilit nilalapitan si Michelle.

"I did my best pero huli na, siniguro ko naman nung umpisa na ligtas ang tatlong bata pero bumalik pala sa loob si Zarinah para kunin ang paborito niyang manika!"

"Sinadya mo iyon! Walang hiya kang babae ka! Pinatay mo ang anak ko! Siniguro mo na diyan sa anak mo mapupunta ang mga mana para sa panganay na babae ng mga Saavedra!"

"Papatayin kita, walang hiya ka!Papatayin ko kayong lahat!" nagwawala si Misael sa labis na galit at pagdadalamhati sa inaakala niyang anak na namatay.







Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon