C H A P T E R 16

1.8K 109 4
                                    

Note: Nagkaroon po ng konting problema sa Chapter 15 kaya kailangan kong i-edit ulit. Nasa inyo po kung babasahin niyo ulit o diretso na kayo sa Chapter 16. Thank you. GODBLESS..




CHAPTER 16

Agad na nagsilapitan sa akin ang mga tsismoso at tsismosa kong kaklase.

"Uy sino yung gwapo na yun?" tanong ni Seph.

"Iyon yung nagtanong sa akin kanina nung lumabas kayo ni Cassey! Oo tama siya nga yun, hinahanap ka niya." ani Patrick.

"Boyfriend mo? Ang hawt ah!" si Loree.

"College na? Anong year? Anong course? Ang wafu!" kinikilig na ani Megan.

"Ikaw naglilihim ka samin ah, di mo manlang kami pinakilala sa kanya." ani Katrina.

"Kaya pala hindi mo ko pinapansin dahil matured pala ang tipo mo." kunwari ay umiiyak na ani Jomz.

"Magsitigil nga kayo! Kaibigan ko lang yun!" depensa ko.

"Kaibigan o ka-ibigan?" nanunuksong ani Katrina.

"AYIEEEEEEEEEH!" halos sabay-sabay na tukso nila.

"Mas matanda yun sa akin ng apat na taon!" sigaw ko para tumigil sila.

"Oh eh, ano ngayon?"

"Apat na taon lang pala eh."

"My Dad is seven years older than my Mom."

"Yung erpats ko nga mahigit sampung taon ang tanda sa ermats ko eh."

"Anong problema mo dun? Para apat na taon lang."

"PARA KO NA SIYANG KUYA OKAYYYY?" sigaw ko sa kanila.

"ASUUUUUUUUUUUS! KUYA DAW??? YIEEEEEEEEEH!"

"Anong pangalan?!"

"Kiel Dominic Fuentabella!" si Cassey ang sumagot.

At hindi natapos ang panunukso nila sa akin lalo na ng sabihin ni Cassey kila Seph na may gusto ako kay Kiel. Agad naman iyong naidaldal ni Seph sa iba naming kaklase. Gumawa pa sila ng Nic-Ella Club. Maghapon ay NicElla ang tawag nila sa akin. Hinayaan ko na lang ang trip nila.

Kinahapunan ay nag meeting kami tungkol sa Photo Booth. May nag volunteer na magdadala ng DSLR. Meron na din magdadala ng tripod stand. May sasagot ng ink, meron ding printer at computer, meron na din sa photo paper, Christmas props at card.
Plano namin na gawing maganda ang quality hindi tulad niyong sa mga normal na photo booths na mabilis kumupas ang kulay ng picture.

Dahil wala akong maisip kaya nagvolunteer na lang ako na tutulong sa pagpipicture at photo editing. All in all ay naging maayos naman lahat. Sinusulat ko kaagad sa papel kapag may napagkasunduan, nilista ko rin yung mga nag volunteer na magdadala ng mga gamit.

Nawala na sa isip ko yung kaninang kaba na naramdaman ko. Namumbalik lang ulit ng naglalakad na ako papunta sa parking lot at maalala kung sino ang maghahatid sa akin pauwi.

Malayo pa lang ay tanaw ko na si Kiel. Maangas at gwapong gwapo sa pagkakasandal sa pinto ng sasakyan niya habang nakapamulsa. Simpatikong ngiti ang nilabas ng labi niya ng matanawan ako.

Ito na naman po yung dagundong ng puso ko. Sobrang bilis at lakas. Kung may kaso lang lang ang ganito pinahuli ko na siya because of almost having a heart attack.

Pinagbuksan niya ko ng pinto. Gentlemen naman pala. Mabilis akong sumakay at ganoon din siya. Walang salita na pinaandar niya ang kotse. This is the first time na makasakay ako sa kotse niya habang umaandar at nagmamaneho siya, yung mga nakaraan kasi ay sa motor niya, hindi yung Ducati ah? Basta.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon