C H A P T E R 3

3K 139 22
                                    

“Sorry,” nakayuko lang ako habang sinasabi 'yon. Halu-halo kasi ang emosyon ko. Una, nakalulungkot 'yong mga nalaman ko tungkol sa buhay nila. Pangalawa, hindi kami close kaya nakakahiyang magsorry. Pangatlo, parang naging masyado akong immatured doon sa part na inagaw niya 'yongBarbie tapos ang OA ko kasi hindi ako makamove-on kahit kung tutuusin ay quits na kami dahil ilang beses na ba akong niligtas ng taong ito?

Psh! Really is unbelievable...” iyan na naman 'yang unbelievable na 'yan, eh! Bakit ba nauso pa 'yan? Favorite word niya ba ang salita na 'yon? Tsss!

Naglalakad kasi kami ngayon, kung nagtataka kayo kung bakit kami magkasama, sisihin niyo si Manang Lita. Pinilit niya kasi 'tong si Kiel na ihatid ako sa bahay namin kahit na sinabi kong huwag na dahil medyo malapit lang naman ang sa amin. Ito namang kumag na Kiel na to, eh, hindi pala makatanggi kay Manang dahil halos ito na ang magulang nila dahil ito ang kasama nila mula nang magseparate ang parents nila.

Hanggang dito ka na lang. Baka kasi magkagulo sa bahay kapag nakita nilang may kasama akong lalaki,” nakayuko pa rin ako at hindi tumitingin sa kanya. Hindi naman siya sumagot at naglakad lang palayo.

Pagpasok ko sa bahay ay si Mia agad ang hinanap ko. Parang bigla kong namiss si Bunso at gusto ko siyang yakapin. Ewan, pero siguro dahil 'yon sa kapatid ni Kiel na may sakit.

Naghahanda kami ni Mama ng hapunan nang maisipan kong ikuwento 'yong tungkol kila Kiel. May ugali kasi ako na gusto ko i-share ang isang bagay sa malapit na tao sa akin. At dahil wala si Cassey ay kay Mama na muna.

Ma, may nakilala po akong magkapatid. Alam niyo po nakakaawa sila. Taga rito lang din po sila sa Village,” panimula ko kay Mama habang naghihiwa ako ng gulay.

Oh, bakit naman kawawa?” usisa naman ni Mama sa akin habang busy siya sa pagpiprito ng isda.

Eh, kasi po separated 'yong parents nila, tapos may sakit pa 'yong kapatid niyang bunso. Dalawa lang po silang magkapatid at 'yong Yaya lang po nila ang kasama nila, iyon lang din po ang nag-aalaga ro'n sa bunso na may sakit sa puso,” sabi ko kay Mama na may concern sa boses.

Kawawa nga po, eh, 'yong bata pabalik-balik daw sa ospital dahil sa heart condition niya,” kuwento ko pa kay Mama.

Eh, nasaan ang mga magulang nila? Bakit natitiis sila gano'ng may sakit pala 'yong bata?" tanong ni Mama na mababakas ang pagka-curious sa mukha.

“'Yong nga po separated daw, 'yong mama nila iniwan sila at sabi may ibang pamilya na raw po yata, tapos 'yong papa nila sobrang busy raw po sa business nila kaya kay Kiel naiwan ang responsibilidad."

Sino naman 'yong Kiel?" tanong ni Mama.

“'Yong kuya po ni Kyla na batang may sakit sa puso. Si Manang Lita naman po 'yong kasambahay nila na kasama nila ngayon.'Yong papa daw po nila ay minsan lang umuwi kasi busy nga raw po na tao."

Oh, saan mo naman sila nakilala?" nakakunot-noong tanong ni Mama sa akin.

Kasi po no'ng namili kami ng gamit ni Cassey tapos binilan namin ng Mermaid Barbie si Bunso, eh, inagaw po ni Kiel  'yong Barbie na bibilin ko, eh, iyon na lang po ang nandoon. Buti nga po may binigay sa akin 'yong sales lady. Inaway ko nga po si Kiel no'n, eh, kasi akala ko bastos lang talaga siyang tao,'yon pala ay may dahilan kung bakit niya ginawa 'yon. Schoolmate lang po kami kaya sa tuwing nagkukrus ang mga landas namin, eh  inaaway ko siya hanggang sa pinakita po niya sa akin 'yong kapatid niya na may sakit, iyon daw po ang dahilan kung bakit niya inagaw 'yong Barbie,mahabang kuwento ko kay Mama.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon