C H A P T E R 5 3

1.2K 87 27
                                    

"Amusement Park?!" gulat na sigaw ko ng huminto ang kotseng sinasakyan namin sa tapat ng isang amusement park.

"Yup!" masayang sagot ni Kiel bago mabilis na bumaba at umikot para pagbuksan ako ng pinto.

"Thanks." nahihiyang sabi ko, mula kanina pagkatapos ng announcements sa gym at excited akong pumunta sa parking lot ay naabutan ko siya dun na hinihintay na ako, paglapit ko ay inabutan niya ako ng isang bungkos ng bulaklak at pinagbuksan ng pinto ng kotse niya. Inalalayan niya rin ako na makasakay sa passenger's seat kung saan naghihintay ang mga plastic ng pagkain na pinagsaluhan naming dalawa habang nasa daan papunta sa destinasyon namin dahil aniya ay mapapalaban kami sa mga rides.

Anong punto ko? Ang gentleman niya lang naman at tinototoo niya yung pangako niyang habambuhay na panliligaw sa tulad kong dalagang filipina. Keleg nemen ang ate niyo Mika guyzzz pero naiinis ako sa sarili ko sa tuwing sinusumbatan ako ng isang bahagi ng utak ko na hindi ako karapat-dapat para sa saya na ito, na hindi ako nararapat sa isang tulad niya na gangster man pero may mabuting kalooban.

Naglakad-lakad lang muna kami habang magkahawak ng kamay, picture dito, picture doon at wala pa kami parehong plano na sumakay sa rides, gusto lang muna namin na ienjoy ang moment namin, HHWW kami guyzz, as in holding hands while walking at wala na kami parehong pakialam sa panganib na naghihintay.

Parang sa mga oras na ito ay nawala sa isip namin yung banta sa buhay ng pamilya namin. Isa sa plano nila Papa ang ganito, yung kumilos na parang normal, pumunta sa mga lugar na gusto ng walang iniisip na panganib dahil may dalawang grupo ng mga matang nakamasid sa amin. Isa ay mata ng kapanalig at isa ay sa katunggali, pero tulad nga ng sinabi ko kanina, wala kaming pakialam ngayon ni Kiel sa kanila.

"Alam mo hindi ko naranasan na makapunta sa mga ganitong lugar nung bata pa lang ako."napatingin ako sa mukha niya na ngayon ay bahagyang nakangiti pero mababakas ang kalungkutan." Masyado kasing busy sila Daddy sa business kaya palaging si Manang lang ang kasama ko sa bahay. " dugtong pa niya sabay tingin sa akin.

"Edi mag-enjoy ka na ngayon, bawiin mo yung mga panahon na dapat ay nagpupunta ka sa mga ganitong lugar para magsaya bilang bata." tugon ko sa kanya at binigyan siya ng ngiti na tinugunan niya din ng isang ngiti.

Gusto kong sabihin sa kanya na maging ako ay parang walang alaala na pumunta kami ng buong pamilya sa ganitong lugar, gusto kong sabihin na kahit ako ay hindi pa rin nararanasan na maging normal na bata, yung tipong maglalaro o mag-aaral lang, kakain at matutulog, yung bata na walang iniintinding problema, at higit sa lahat. .yung bata na mga insekto, multo o monster lang ang kinakatakutan at hindi iyong mga bagay o ideya na baka may kumuha sa kanya, may umabuso, may manakit o di kaya ay may pumatay.

Iginala ko ang paningin ko at napukaw ang atensiyon ko ng isang maliit na tindahan ng cotton candy, sa tabi naman nun ay pwesto ng iba't-ibang mga laruan, ice cream at iba pa.

"Gusto mo nun?" para akong natauhan ng magsalita si Kiel. Hindi ko pala namalayan na nakatulala na pala ako sa tindahan ng cotton candy.

"Ahm, may naalala lang ako sa cotton candy." sagot ko habang pilit inaalala ang pangyayari na iyon sa buhay ko pero kahit anong gawin ko ngayon ay hindi ko maalala. Mabuti na lang at hindi masyadong sumakit ang ulo ko kakapilit.

"Ako din may naaalala diyan. Pati sa ice cream." ani Kiel na ngayon ay tulala na din sa halos magkatabi lang na nagtitinda ng cotton candy at ice cream.

"Ako din, parang..may naaalala nga din ako sa ice cream."

Napatingin ako kay Kiel nang bigla siyang tumawa. "Kung anu-anong pinag iiisip natin. Malamang part na talaga ng childhood natin at ng iba pang mga kabataan, maging ng matatanda ang mga street foods na ganyan." tumatawang aniya dahilan para matawa na lang din ako ng maisip kong tama siya.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon