C H A P T E R 20

1.7K 112 4
                                    

PHOTO BOOTH at CHRISTMAS PARTEY PARTEY!!!

Abala ang lahat ng estudyante, at syempre kabado pero masaya.

"One, two, three, smile!"

CLICK! CLICK! CLICK!

"One more time! Wacky naman!" sigaw ni Katrina tapos lumapit sa tripod para pindutin ulit ang timer ng camera.

Nag-pi-picture-picture kasi ang buong klase, nasa 24 kaming lahat kaya todo compress kami para maganda tingnan. Nakaupo sa sahig ang boys at nakatayo kaming girls sa likod nila.

May mga hawak kaming props, may suot akong santa hat habang ang katabi ko naman na si Cassey ay may maskara sa mata na may hawakan, yung itinatapat sa mata? Basta iyon haha.

We are all wearing red, as for me simpleng jeans lang ang suot ko na may ripped sa kaliwang tuhod partner with white sleeveless top na pinatungan ng red checkered cropped polo. Hinayaan kong nakabukas ang dalawang butones niyon sa itaas para mas lalong makita ang suot kong necklace na may nota na pendant. Naka white converse shoes lang ako.

Astig tingnan, hindi kasi ako kagaya ng mga classmate kong mahilig sa dress, skirt o kahit anong sexy na damit.

Si Cassey ay ang cute at sexy tignan sa high-waisted denim skirt niya at scoop back red top na tinucked-in niya. May suot siyang parang itim na kwintas pero fit sa leeg tapos may palawit na parang tear drop. Hindi ko alam kung anong tawag doon eh pero ang cute, gusto ko rin nun HAHA. Naka black sandals siya na may konting heels. Ang ganda talaga niya, lalo siyang kuminis at pumuti sa suot niya.

(A/N: choker necklace pala yung tawag sa suot ni Cassey, now I know. Sige basa na ulit kayo. Hehe.)

Syempre hindi papakabog ang iba, si Katrina ay naka sexy santa dress, si Leah ay naka oversized red checkered polo na parang hindi ayos ang pagkakasuot pero halatang sinadya para ma-exposed yung isang balikat niya. Gets niyo? Basta ganun haha tapos naka maong short-shorts siya na halos hindi na kita at blocked heels sa paa.

Matapos ang picture taking ay kainan na, syempre kanya-kanyang toka sa pagkain pero inorder na lang namin para hindi naman hassle. May kaunting palaro din na hinanda sila Seph.

Syempre matapos nun ay EXCHANGE GIFT. Then start na ng Booths.

Nung una wala masyadong pumupunta pero ilang minuto ang lumipas ay may pila na sa labas. Open gate din kasi ang School kaya pwede ang visitors.

"Merry Christmas! Ho! ho! ho! Welcome to Class A's Photo Booth, Enjoy!" ani Jomz na naka Santa Costume, wala kasi kaming maisip kung sino ang magiging Santa Claus kaya si Jomz na lang ang nilagay namin dahil matangkad siya, maputi, matangos ang ilong at may malalim na mata. Yun nga lang ay hindi siya mataba pero okay na din kasi makapal naman yung Costume. Lumalabas yung malalim niyang dimple sa tuwing ngumingiti siya.

Paulit-ulit niyang winewelcome lahat ng pumapasok tapos diretso sa Cashier yung customer para sa billing, si Rezza naman ang naka-assign doon at naka girl sexy santa costume siya at ang cute niya, may santa hat din siya, tapos black na booths sa paa. Siya kasi yung pinaka maputi sa girl classmates namin kaya siya ang nilagay dun.

"Mikaella!" abala ako sa pag aabot ng props sa customer ng bigla kong marinig yung pangalan ko na tinatawag. Hindi ko yun pinansin dahil may sinasabi ako sa group of friend customer na bagong dating.

"Mika! Psst!" tawag ulit ng kung sino, this time tumingin na ako at hinanap kung saan galing yun. Nakita ko si Jomz na kumakaway sa akin. Tinuro ko pa sarili ko para tanungin kung ako nga yung tinatawag niya.

Tumango naman siya kaya lumapit ako sa kanya. "Bakit Jomzel Edrix?" binuo ko pa ang pangalan niya na agad naman nitong ikinasimangot.

"Mmm.." ika niya habang nagsa-sign na parang umiinom.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon