C H A P T E R 5

2.5K 152 15
                                    

Kiel Dominic's POV

(A/N: sa wakas may POV na din siya! Enjoy reading <3 )

Ako si Kiel Dominic, you can call me Nic going 19 years old. 3rd year College, Gangster. Hindi porket gangster ako ay masama na akong tao. Dahil gangster ako dahil ayoko na may inaagrabyadong tao. Bakit? Kasi lumaki ako na walang magulang na nagaasikaso. Yung mama ko palaging wala sa bahay, si Dad palaging busy sa trabaho.

In short gangster ako dahil nakikipag basag ulo ako para tumulong sa mga tao, as possible as I can, I want to prevent bullying but how ironic, right? Dahil nagiging bayolente ang paraan namin ng pagtulong dahil hindi maiwasan lalo pa nga at karaniwan sa mga bully ay mga gangster mismo. At kami bilang mga gusto lang tumulong ay tinatawag na rin nilang gangster dahil nga lumalaban kami sa mga gangster. Sabu nga nila kapag pumatol ka sa taong baliw ay baliw ka na ring maituturing. So practically, we are gangster because we fight gangsters and other bullies. Pero balang araw gusto kong maalis at mabago ang tingin at tawag sa grupo namin ng mga tao.

Hanggang sa isang araw si mama hindi na umuwi ng bahay. Yun pala sumama na sa ibang lalaki.

Si Dad? Simula nun palagi nang galit. Palaging ako yung napagiinitan. Lagi akong sinasaktan. Palagi ring hindi umuuwi halos sa office na tumira.

Mayaman nga kami pero mas gugustuhin ko pa na maging mahirap basta may buo akong Pamilya.

Simula nung iwan kami ni mama naging mailap na ko sa mga babae. Madaming nagkakagusto sakin pero hindi ko sila pinapansin. Wala akong interest sa kanila dahil para sakin pare-parehas lang sila. Iiwan lang din naman nila 'ko sa huli kaya bakit ko pa hahayaan na pumasok sila sa buhay ko di ba?

Dalawang babae lang ang mahalaga sa akin ngayon.

Si Manang  na mula pagkabata ay palaging nasa tabi ko. Mas naging nanay pa siya sakin kesa kay mama. At pangalawa ay si Kyla, baka hindi ko kayanin kapag nawala ang kapatid ko. Kaya lahat gagawin ko para sa kanya.

Kaya kahit nakakahiya, inagaw ko dati sa isang babae ang manika sa mall.
Kaya din iniiwasan ko na ang makipag away dahil ayokong makita ako ng kapatid ko kapag meron akong sugat o dugo at baka makasama sa kanya. Sumali ako dati sa gang dahil gusto ko lang at nagustuhan ko yung mga ginagawa nila. Hindi naman kasi dating may away-away sa gang namin.  Kung tutuusin, tinawag lang naman iyon na gang dahil marami kami.

Hanggang sa may nainggit sa grupo namin at kinalaban kami. Yun ay ang grupo nila Tadeo, ang anak ni mama sa ibang lalaki.

Oo tama kayo ng basa, mas matanda sakin si Tadeo dahil mas nauna siyang naging anak ni mama. Pero hindi yun alam ni Dad nung una.

Dahil sa kanya kaya naging magulo yung pagsasama nila mama at Dad.
Nung malaman ni Dad na may anak pala si mama bago pa sila ikasal ay naging mainitin na ang ulo ni Dad. Iyon ang pagkakaalam ko.

Kaya hangga't maaari ay umiiwas ako kay Tadeo dahil ayokong malaman niya na magkapatid pala kami sa ina. Pero dahil sa isang babae na inagawan ko ng laruan sa mall ay napalaban ulit ako sa grupo nila, at pati ang buong gang ay nadamay na rin.

Gantihan na ang nangyayari, naiipit ako dahil tinatago ko sa kapatid ko yung pagiging Gangster ko. At alam ko na hindi natutuwa si Dad sa mga nababalitaan niya tungkol sa akin.

Hindi ko naman pwedeng basta-basta na lang talikuran ang pagiging leader ko sa Gang. Marami kaming natutulungan na tao. Lalo na yung mga nasa kalye.

Kasi naman yung babae na yun napaka immature, napakalapitin pa ng gulo!

Ilang beses na bang nagtagpo ang landas namin?hindi ko na mabilang pero ang alam ko lang ay laging natataon na she's in trouble at ako dahil nga Gangster ako at ang aim ng Gang namin ay tumulong eh napipilitan akong tulungan siya. Ayoko din kasi na may nakikitang inaapi.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon