C H A P T E R 12

1.8K 123 10
                                    

Sinalubong ko si Manang, Kyla at Kiel sa gate. We greeted each other at pinatuloy sila sa loob. Lumipat ang tingin ko sa bag na nasa balikat ni Kiel, yes they're staying here for just a night. Mahirap tanggihan si Kyla because of her heart condition.

As expected ay parang super excited si Mama na ipatikim ang mga luto niya sa aming mga bisita. Well masasabi ko na mahilig akong kumain at walang tatalo sa luto ni Mama at desidido siya na ituro sa akin lahat ng recipe na alam niya.

"Dinner is ready!" masayang ani Mama, inakay niya si Kyla paupo sa lamesa, kasunod namin si Manang, Kiel, at si Kuya na may kausap sa phone. Si Mia ay prente ng nakaupo sa seat niya sa tabi ng seat ni Mama, sa kabila ay ang seat ni Papa pero wala pa siya. But speaking of him, nandiyan na pala siya, buti at nakahabol pa. Malaki ang ngiti ni papa ng humalik kay mama at binati ang mga bisita.

"I think I'm just in time?" ani papa.

"Dinner is about to start hon, buti at nakaabot ka." ani mama. Binalingan niya ang mga bisita at sinabing huwag mahihiya.

Madami at masasarap ang mga pagkain sa lamesa, tinodo na talaga ni Mama, knowing her, ayaw niya na may masasabing negatibo o reklamo ang iba when it comes to hospitality.

"Stop using phone Michael, nasa harap tayo ng pagkain." Bulong ni Papa sa katabi kong si Kuya.

"Ahm. Please excuse me for a while po. Nasa labas na po kasi si Joice, I'll just go get her." ani Kuya.

"Oh si Joice? Mabuti at nakarating siya." ani Mama. Okay Joice? Sounds familiar though. So they have met her already? Ako na lang pala ang hindi.

"Go hijo, malamig na sa labas mahiyain talaga ang nobya mo at mukhang nahiyang mag door bell." natatawang ani Papa.



"Teacher Joice?" naagaw ni Kyla ang atensyon naming lahat. Uh oh. I thought kapangalan lang, so ang Teacher Joice ni Kyla at ang girlfriend ni Kuya ay iisa? What a small world. Now gusto kong sampalin yung sarili ko dahil minasama ko yung tawanan nila ni Kiel sa Park kaninang umaga.

"Hi Kyla! Kiel, Manang, and oh Mika. Good to see you all here. Good evening po Tito, Tita." ani Ate Joice at nagmano kay Mama at Papa at bumeso naman sa akin.

"Magkakilala na pala kayo nitong bubwit na to?" ani Kuya kay ate Joice habang nakaturo sakin. Hinampas ko yung kamay niya.

"Ah yeah, she's Kiel and Kyla's friend. Si Kyla naman yung sinasabi ko sayo na tinututor ko." turo naman ni Ate Joice kay Kyla.

"What a small world." ani Mama.

"Oh siya maupo ka na hija at lalamig ang food." ani Papa.

"Totoo pala ang sinabi nitong si Mika na masarap kang magluto Mrs. Corpuz." pag-iiba ni Manang sa usapan. Nagblush si mama.

"Masyado naman hong pormal ang Mrs. Corpuz, hehe. Michelle na lang ho." Ani mama na halatang kinikilig sa papuri ni Manang. Palagi siyang ganyan sa tuwing may pumupuri sa luto niya. I find it childish but cute at the same time.

Tuloy lang ang pagkain ko, nakikinig lang ako sa kung anu-anong pinaguusapan nila hanggang sa mapunta sa crush ko yung topic nila.

"So what's with the two of you?" nakakaloko ang ngiti ni kuya. He is pertaining about us, Kiel and me.

Muntikan na kong mabilaukan.
"Kuya ano ba namang klaseng tanong yan?" naiinis kong sabi kay kuya.

"Why? Wala ba akong karapatan na magtanong? I'm your kuya after all."

"We are.. Friends?" di sigurado na sagot ko. Tumawa si kuya.

"Hindi ka pa sigurado ah?" inirapan ko siya. Kung kaya lang pataubin ng tingin ang isang tao siguro kanina pa tumaob tong kuya ko.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon