C H A P T E R 8

2.1K 137 7
                                    

PABABA pa lang ako ng hagdan ay sunod-sunod na doorbell na yung bumungad sakin.

Anong oras na ba? Tumingin ako sa phone ko, magaalas-otso pa lang ng umaga.

Hindi umuwi si Kuya pasaway talaga yun! Ano at padoor bell door bell siya ngayon?

Naka arko ang gilid ng itaas na nguso ko habang binubuksan ko yung gate.

Imbes na si Kuya eh ang bihis na bihis na si Kiel, si Manang Lita at si Kyla ang napagbuksan ko. Hawak ni Kiel yung cage na pinaglagyan ko kahapon kay Clingy.

Kinuha ko agad si Clingy at kinamusta. Agad namang naglambing sakin ang pusa.

"Salamat po sa pagdala dito kay Clingy." Aniko na kay Manang nakatingin, hindi ko pinansin si Kiel na siyang may hawak ng cage kanina.

"Ah hija, actually hindi lang dahil diyan sa pusa kaya kami naparito." Alanganin ang ngiting sabi ni Manang sakin.

"Po? Eh bakit po?" Tanong ko.

"Ito kasing si Kyla, nagpupumilit na isama ka sa Batangas. Eh kako ay hindi pupwede kaso nagiiiyak mula pa kahapon nang magising siya na wala ka." Nagkakamot sa batok na anang matanda.

Napaawang ng konti yung bibig ko at tumingin kay Kyla. Kaya pala hindi niya ko binati kanina. . Yumuko ang bata nung tumingin ako sa kanya.

"Eh ilang araw po ba sana kayo sa Batangas?" Tanong ko sa matandang kasambahay.

"Siguro ay tatlo hanggang limang araw hija, kaya nga kako ay hindi pwede dahil baka hindi ka payagan ng parents mo." Anang matanda.

"Pasok po muna kayo." Aya ko sa kanila. Pumasok naman sila kaagad pero naiwan yung driver, may dala pala silang sasakyan, hindi ko napansin kanina dahil naexcite ako kay Clingy.

Pinaupo ko muna sila sa sala tapos umakyat ako sa kwarto ko para tawagan si Papa.

Halos mapatalon ako sa tuwa nang payagan nila ko. Sa totoo lang ay medyo naninibago ako sa Pamilya ko dahil dati hindi nila hinahayaan na mag isa lang ako dito sa bahay, panigurado ay sermon ang abot ni Kuya pag nalaman nila mama na hindi niya ko binantayan. At ngayon nga ay pinayagan nila ko na sumama sa Batangas, ganun na lang ang tiwala nila sa Pamilya nila Kiel.

Bumaba ako sa sala para alukin sila ng makakain pero tumanggi sila dahil nakakain na daw sila. Nagtimpla muna ko ng milo kasi nagrereklamo na yung mga bulate ko sa tiyan.

"Kyla hintayin mo si ate Mika ha? Maghahanda lang ako ng mga kailangan kong dalin okay?" Pagkasabi ko nun ay nagliwanag yung mukha ni Kyla at matamis ang ngiting tumango tango ito.

"Excuse me po akyat po muna ako ulit." Yumuko ako kay Manang at nagmamadaling umakyat ulit sa kwarto ko dala yung tasa na may lamang milo.

Mabilisang ligo at empake lang yung ginawa ko. Biglang tumunog yung phone ko, binasa ko yun at text message pala galing kay mama.

May pera daw sa drawer ng kwarto nila ni papa, kumuha daw ako ng pocket money ko. Sinunod ko naman yun, buti na lang at nagtext si mama. Atleast may dagdag na pocket money ako. Nakaka excite dahil first time kong makakapunta sa Batangas, at to be honest first time kong makakalabas ng Manila XD

Sinuot ko sa isang tenga ko yung ear pads pero wala pang music. Nireready ko lang para mamaya sa biyahe.

Simple lang yung sinuot ko, jeans at tshirt, may jacket ako pero nasa arm ko lang.

Isang bag na malaki lang yung dala ko, magaling kasi ako magpack ng mga gamit kaya napagkasya ko yun sa isang bag kahit madami akong dala.

Umalis na kami kaagad nang masiguro ko na nakalock na ng maayos yung bahay namin.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon