C H A P T E R 7 6

1K 83 35
                                    

Warning: SPG(THEME, LANGUAGE, VIOLENCE.)

Zachareus Santiago

Kabi-kabila ang mga putok ng baril. Gayon pa man ay patuloy ang pagtakbo at paggala ng mata ko sa paligid. Kailangan kong masiguro na mahuli silang lahat. Kanina ko pa hinahanap yung sinabing gang ng whistle blower pero parang wala naman akong nakita maski isa sa kanila, puro tauhan lang ni Misael ang nakaharap ko.

Iniwan ko si Misael sa kamay nila tito Mikael at tito Melvin. Naroon din naman ang ibang agents at ang SWAT TEAM.

"Damn!" napasigaw ako sa sakit na dulot ng mainit na bala, dumaplis iyon sa braso ko. Buti at daplis lang.

"Bomb detected at basement!" narinig kong may nagsalita mula sa ear piece, lahat kami ay may suot na ganun para mas madali ang communication.

"How many minutes left?" narinig kong may nagtanong pero hindi ko makilala ang boses.

"5 minutes and running!" shit! I need to do something!

There's a big possibility na madaming bomba sa buong bahay. Patakbo akong pumasok ulit sa loob.

"Ella!" narinig ko ang boses ni Dominic, siguradong nakita na nila sila Mikaella. Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag pero nang  makita ko kung gaano na kausok sa loob ay muling lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"May bomba sa katawan ni Ella!" mas lalong bumilis at lumakas ang kabog ng dibdib ko ng marinig kong sinabi yun ni Dominic, halos nabingi na ako at hindi ko na narinig ang mga putok ng baril sa paligid. Tanging tibok ng puso ko na lang ang naririnig ko habang tumatakbo.

"A-anong gagawin namin?" nagpapanic ang boses ni Dominic pero hindi ko magawang sumagot, napasabunot ako sa buhok kahit may suot akong bonnet, wala din sumagot sa iba naming mga kasama.

"3 and a half minutes left!" sigaw ulit ni Nic, napahawak ako sa tenga ko. Damn you Fuentabella!

"Can you recognize what kind of bomb is that?" sa wakas ay may sumagot na mula sa mga kasama namin.

"No!" agad na sagot ni Dominic.

"Anong wire ang nakakonekta sa bomba?!" hindi ako expert pagdating sa mga bomba pero may alam din naman ako kahit papano.

"T-theres a r-red and y-yellow." nanginginig ang boses na sagot ni Dominic. 

"Cut the red wire, carefully!" bago ko pa man masabi ay may nauna na.

"Are you sure red ang icu-cut?" tanong ni Michael mula sa kabilang linya.

"Yes!" ako na ang sumagot.

"Mauna na kayo sa labas!" narinig ko pang sigaw ni Nic. Sakto naman na narating ko ang basement.

"Agent Zachareus!" tawag sa akin ni Jacob.

"Let's help them!" sabi ko sa kanya at sabay kaming bumaba sa hagdan na papunta sa basement.

"Zachareus!" tawag sa akin ni Vincent. Nilapitan namin sila at agad dumapo ang paningin ko kay Ella bago lumipat sa babaeng halos hindi ko na makilala.

"M-mommy?!" napatakbo ako palapit sa kanya, nagawa ko pa siyang yakapin pero walang response, tulala lang siya ng tignan ko. Nangilid ang luha sa gilid ng mga mata ko. Ilang taon ko siyang hindi nakita tapos ganito pa ang itsura niya sa muli naming pagkikita?! CURSE YOU TO THE PITS HELL MISAEL SAAVEDRA!!!

"Let's get out of here now! Dominic ayos ka lang diyan? Kailangan na namin silang mailabas dito, babalikan namin kayo." tanong ni Michael kay Nic.

"O-oo, si-sige.." sagot ni Dominic. Nagpatuloy kami sa paglalakad, akay ko si Mommy, buhat naman ni Michael si Donya Esmeralda habang inaalalayan ni Jacob at Vincent si Kenneth at Zander, mag-isang naglalakad si Agent Alvin.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon