C H A P T E R 14

1.8K 130 5
                                    

Nagkukumpulan sa gilid ang mga kaklase ko, panay ang kantiyaw at pang-aasar nila kay Savanna ng hapong iyon. Bahagyang kinukulot ni Katrina ang buhok nito gamit ang electric curler, habang si Leah ang naglalagay ng light make up. Panay din ang payo ng iba naming kaklase tungkol sa kung ano ang dapat na gawin sa kanyang first date kay Maverick. Pinatanggal din nila ang eye glasses nito at pinahiram ni Loree ng contacts. Masyado silang nalilibang kay Sav habang ako ito nanonood lang, nakikinig at bored na naghihintay na matapos sila. Bilang Presidente ng Class A ay obligasyon ko na panatilihin ang kaayusan at kalinisan ng classroom pero paano mangyayari iyon kung ganitong ayaw pa magsi-uwi ng mga kaklase ko? And I want to go home.

Ang boys ay nakikigulo gulo din at kung anu-ano ang ipinapayo kay Sav.

"Sabuyan mo ng tubig sa mukha kapag binastos ka." natatawang sabi ni Jigz kay Sav. Nagtawanan naman ang mga boys at dinugtungan pa ng kung anu-anong payo.

"Don't kiss in your first date." ani Cassey na nakikigulo-gulo sa iba.

"Eh sa second date ba pwede na?" tanong ni Raf kay Cassey, take note the playful smile on his face. Naiisip ko na kung anong kalokohan ang nasa isip ni Raf ng mga oras na iyon.

"For me hindi pa rin pwede kung wala namang relasyon. Ewan ko lang sa iba." ani Cassey sa lalaki.

"How about you allowing me to court you?" Raf winked at her.

"Cut it Raf. How many times do I have to tell you?" naiinis ng ani Cassey sa makulit na classmate slash taga hanga niya.

"Chill. Nagbabakasakali lang baka makalusot." kakamot kamot sa batok na anang lalaki.

Raf is cute, ewan ko ba kung bakit hindi siya binibigyan ni Cassey ng chance gayong matagal na itong nagpapalipad hangin sa kanya. Kung ano man ang dahilan niya ay hindi ko na inaalam pa. Knowing her, may mga bagay na dapat ay sinasarili na lang at hindi na sinasabi even to your closest friend.

Nang sa wakas ay magsi-uwi na ang boys ay nagumpisa na kong maglinis. Tumakas na kasi ang cleaners na pasaway. And I have no choice, ako ang Class President, ako din ang key holder.

Nasa sulok naman ang girls kaya madali akong natapos sa paglilinis. Nang umalis na sila ay agad kong sinara ang room.

"Let's go?" ani Cassey sa akin. Tango lang ang sinagot ko. I am not feeling well, para akong pagod na pagod tipong kahit magsalita ay kinatatamaran ko na.

"Magcocommute na lang ako. Hindi makakarating ang sundo ko." maya-maya ay ani Cassey sakin.

"Sumabay ka na sakin."tipid kong sagot.

"Sure ka na ayos ka lang Mika?" nagaalalang tanong niya.

"Hmm. Wala lang talaga ko sa mood at tinatamad na rin."

BEEEEEEEP! BEEEEEEP!

Tumabi kami ni Cassey sa gilid ng daan ng biglang may humintong itim na sasakyan sa harap namin. Sa gilid ay may maliit na sticker ng itim na ahas na may nakalagay na BSG sa ibaba.

"Pauwi kayo?" tanong ni Kenneth samin ng bumaba ang bintana ng sasakyan.

Tumango lang kami ni Cassey.

"Sabay na kayo sakin?" patanong niyang sinabi.

"Are you allowed to drive?" Cassey ask him.

"Obviously yes. Ano sakay na kayo, dumidilim na o, delikado sa inyo ang gabihin sa labas." masiglang aniya sa amin.

"Sa likod na ko." sabi ko kay Cassey saka mabilis na sumakay sa back seat. Kapag kasi sa harap ako umupo ay panigurado na kailangan kong magsalita ng magsalita at wala akong gana na dumaldal ngayon.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon