C H A P T E R 32

1.6K 107 3
                                    

(Not edited. ❤️)

Nakahiga lang ako sa kama ko at nag-iisip ng kung anu-ano. Mag-aalas otso na ng gabi at ilang oras na lang ay pasko na pero hindi ko makapa sa sarili ko yung dating excitement. Parang puro isipin at pangamba na lang ang natira.
Sino ba naman kasing hindi matatakot sa pinagdaanan namin di ba?
We almost gotkilled by those kidnappers. Kidnappers? Kidnap with ransom? Hindi lang iyon ang nakikita kong motibo nila. Siguro sa mga kaklase ko ay ganoon pero sakin?

"Pera at buhay. Kaya mo bang ibigay?" hindi ko pa nalilimutan yung sinabi ng big boss nila. PERA AT BUHAY.

BUHAY. at ako yung target nila. Ibig sabihin gusto nila akong patayin. Pero bakit? Anong kasalanan ko? Anong nagawa ko?

"Papatayin kitang malas ka!" malas ba talaga ako? Kahit kasi sa panaginip pinapamukha na malas ako eh.

"Pinatay ng mama mo ang anak ko kaya papatayin din kita!" ano bang klaseng panaginip yun?

May ibig sabihin ba yun? Kung oo, ano naman yun?

Si mama makakapatay? Hindi. Imposible yun.

*TOK TOK TOK* Someone knocked on my room's door.

"Mika, anak? Hindi ka pa bababa? Kanina pa nandito sila Nic."

Sila Kiel?

"Umaano po sila dito?" tinatamad na tanong ko.

"Dito sila magpapasko, inimbitahan ko sila dahil silang tatlo lang sa bahay nila." tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Nasaan po ang Daddy nila at yung Ninang at kinakapatid niya?"

"I don't know. Ano diyan ka na lang ba?" tanong ni Mama.

"Susunod na lang po ako."

"Okay bumaba ka agad ha?"

"Opo"

"I also invited their gangs to say thank you pero sa 27 na lang daw. Okay din yun para atleast mapaghandaan natin."

"Okay po."

"Oh? Masama ba ang pakiramdam mo?" sinalat ni mama ang noo at leeg ko.

"Hindi po ma, tinatamad lang po ako. Sige po maliligo lang ako at magbibihis tapos bababa na rin po ako."

"Okay." iniwan na ko ni mama, sinara ko ang pinto at tumuloy sa banyo para maligo. Tinimpla ko muna ang temperature ng shower.

Lumabas ako ng nakatapis lang ng towel sa katawan at buhok. Lumapit ako sa cabinet ko para mamili ng isusuot na damit.

Tuwing pasko ay naka red kaming lahat kaya kulay red ang hahanapin kong damit. Isang simpleng dress lang ang nahugot ko mula sa patong ng mga red kong damit, oo nga pala yung pagkakatupi at pagkakaayos kasi ng damit ko ay maarte, nakahiwalay ang pambahay sa pang tulog pati pang-alis, yung pang formal ay nakahanger ng maayos. Tapos by color pa. Bukod din syempre ang undies ko at naka hanger yung school uniforms. Ganun kasi ang ginagawa ni Mama dahil student ako at hindi pwedeng malate. Mabagal din kasi akong kumilos at nahihirapan akong humanap ng isusuot palagi. Since tinatamad nga ako ay sinuklay ko na lang yung buhok ko at pinatuyo, hinayaan ko na lang na nakaladlad at bumaba na ako sa sala.

Mikaella ⬇️

Mikaella ⬇️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon