#PIT33

44.2K 2.5K 2.4K
                                    

#PIT33

Loti was comforting me after that.

"Hayaan mo na," ani Loti sa mahinang tinig.

Trina and Jolina just flinched and started talking to other friends near them, binalingan ako ulit ni Loti na may hilaw na ngiti.

I lowly scoffed mockingly.

"Tama naman ako, ah? I don't even know anything about Emil's schedule. Ayaw ko ring mag-demand sa kanya pero ginawa ko para sa mga 'yan, e, hindi ko naman sila close."

I really should learn how to say no on the spot so they'd stop their expectations. Lalo na sa mga ganyang klaseng tao na hindi makaintindi, Emil has a busy life together with The Sealed so it's expected to receive rejections even when we're siblings and I understand that. Nakakairita lang itong mga kaibigan nila Barbara, masyadong feeling VIP dahil sa nalamang kapatid ako ni Emil.

Loti winced. "Oo nga, tama ka talaga kaya nga sinabi ko na rin pero huwag na natin palalain."

Pinagkunutan ko siya ng noo, agad siyang nagkaway ng palad.

"Don't get it wrong, Kiya. I mean, huwag na natin pahabain. Mapagpatol kasi iyang sila Trina at baka magkuwento pa sa mga kaklase nila."

"Huh? Ano namang pake ko kung magkuwento siya? Mas mapapahiya pa siya."

Sa bagay, iba nga pala ang magiging kuwento nila kung sakali. Mas gagawin nilang bida iyong rason nila kaysa sa tootong nangyari. Okay, papalampasin ko ang inis kay Loti ngayon pero hindi ko na susubukan makisama sa mga kaibigan nilang hindi ko trip. They're not worthy of my friendship, hindi ko rin naman sila kailangan.

Nakumpleto kami sa lamesa nang dumating sila Paco dala ang mga alak, iyong mga kasama niya ay may dala namang mga pulutan sa mga tray na hawak. Nagtatawanan sila sa pinag-uusapan habang nilalapag sa lamesa iyong mga dala.

Napakamot si Loti sa pisngi at nagbuga ng hininga.

"I'm sorry, palampasin na lang natin."

Picture perfect memories
Scattered all around the floor

Nahinto ako sa pakikipag-usap kay Loti nang marinig ang pagsi-simula ni Sorcha sa stage, napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya. Bahagyang lumapit si Jacques sa kanya, sa sentro ng stage habang inaayos iyong mic niya at nakangisi.

Reaching for the phone 'cause, I can't fight it anymore

Wow, ang ganda talaga ng boses ni Sorcha. Tama nga si Tanner na marami rin siyang talent. It's soft with power at the same time, nakaka-relax pakinggan.

Jacques lifted his mic near his lips as he started singing with Sorcha, tila nakaalalay lang iyong tinig niya sa parteng iyon.

And I wonder if I ever cross your mind
For me, it happens all the time

"OMG!" tilian nila Trina.

"Ang guwapo naman niyan!"

"Ang ganda pa ng boses!"

"Talent din ng Sonic din 'yan, 'di ba?"

Nagtitilian din iyong mga tao at napapatayo na nang umingay lalo ang drums, miski ako ay hindi maiwasang ma-excite lalo habang pinapanood sila.

It's a quarter after one, I'm all alone and I need you now
Said I wouldn't call, but I lost all control and I need you now
And I don't know how I can do without, I just need you now

Epicenter Tape #2: Point in TimeWhere stories live. Discover now