#PIT24

47.7K 2.7K 2K
                                    

#PIT24

Our road trip continued to get exciting and exciting; we parked to gasoline stations again and we never had a dead time together. Kung anu-ano lang ang napag-uusapan at minsan ay nauuwi sa sama ng loob ko kay Daddy.

Tanner isn’t drinking anymore while me? I don’t know what I’ve been doing certainly as the time passes—I feel like floating the whole time and I was so talkative that Tanner was just laughing and nodding at my talking.

I wish I can still remember every little detail of our time together. This made me happy and light after hearing bad news yesterday.

“I really hate Emil, kilala mo siya, ‘di ba? At friends kayo?” may iritasyon kong sambit.

Isa pa iyong sama ng loob ko kay Emil na nananahimik at abala parati, pakiramdam ko lang talaga ay hindi ko siya maaasahan sa mga oras na kailangan ko siya. Ilang beses ko nang naramdaman iyon at naranasan.

“We’re not too close, I just knew him because of Jacques. Bakit ka naman naiinis sa kapatid mo?” natatawa niyang tanong.

“Naalala mo ‘yong napilay ako?” singhap ko. “At kahapon, tinawagan ko siya pero wala!”

I hate the fact that he’s living freely without issues since Daddy and his Mom were already over but I don’t have any sibling to lean on and tell about the problems. Siya lang kaya masama rin ang loob ko, wala siya kapag kailangan.

He laughed. “Ah! Oo, ‘yong sobrang tigas ng ulo mo at ayaw makinig?”

I glared at him. “Wala akong pera noon para magpunta sa ospital mag-isa! I called Emil to catch me because I don’t wanna disturb my working parents but he didn’t answer my calls, I was so helpless!”

“We were offering you—”

“And you think I’d accept help from strangers? I don’t trust anyone easily especially that you are boys and very annoying that time!” I retorted.

Humalakhak siya. “Can’t blame you, Jax was really annoying.”

I tilted my head, furrowing my brows. “You, too! Sabi mo pang kulang ako sa palo noong bata ako!”

Tawa siya nang tawa at nailing sa alaalang iyon. I wouldn’t forget that!

“Masama pa rin loob mo dahil doon?”

“Hindi pero nakakainis pa rin! You were so annoying, I hated boys more because of that!” I was just glaring at him while ranting.

He looks so calm while controlling the steering wheel, he was chuckling because of my glares. I really like seeing his wrist with braided bracelet, it suits his firm arm with veins. Or maybe, he’s just clearly handsome that everything suits him. Kahit nga magulo lang iyong buhok niya at walang ayos ay nadadala niya.

“Calm down, Haw-haw. Inom ka muna tubig diyan.” He maneuvered to the left.

Umismid ako at sumimsim sa bottled water. My eyes wandered and found that the dark sky is getting blue now. Oh no, why am I still alive by now? And, where are we? Ginala ko pa ang tingin at nakita ang malaking Twin Lakes’ signage kung saan siya lumiko at gumarahe.

“We’re in Tagaytay now!” I beamed like a kid while giggling, pagkahinto ay binuksan ko agad ang pinto para makalabas at tumakbo patungo sa terasa kung saan nakikinita iyong Taal lake.

Malapit na magliwanag kaya kita na ang view mula sa terasa kahit papaano, ang ganda at ang sarap ng simoy ng hangin dito. Sobrang lamig nga lang, I’m just wearing a shirt and shorts! I’ll probably freeze later.

Epicenter Tape #2: Point in TimeWhere stories live. Discover now