#PIT11

40.8K 2.3K 1.2K
                                    

#PIT11

"Baliw ka ba? Um-attend ka!" panay ang sermon at pamimilit sa akin nila Loti at Barbara nang magkita kami sa school kinabukasan.

"Ginastusan na 'yon ng parents mo, Kiya!"

"Hindi puwedeng hindi mo mararanasan ang eighteenth birthday mo!"

Diretso lang akong naglalakad habang nasa magkabilang gilid ko sila at panay ang hila sa manggas ng uniform ko, wala akong maramdaman na guilt sa mga pinagsasabi nila tungkol sa effort ng parents ko para roon.

Naiirita lang ako sa kanila, I know they're offended and I'm still sad for them. Hindi naman ako iyakin pero naluluha ako tuwing masusuksok iyon sa isip ko. Hindi ko matanggap ang ginawa ni Mommy, ang sakit sa akin—paano pa sa kanila na tila na-reject pagtapos umasa? They even had their written speech. Mas guilty ako na kinalimutan sila kaysa sa effort ng parents ko na sila lang naman ang may desisyon.

Nasasaktan ako dahil tatlo lang, tatlo na nga lang sila... sila pa iyong nakalimutan o kinalimutan sa daming pangalan ng bisitang si Mommy mismo ang namili.

Kaya hindi ko iyon pupuntahan. I didn't want the party, anyway. Why would I go to my own birthday celebration that they decided on their own? E, 'di sila na lang ang mag-celebrate. That party would mean nothing to me without my friends.

"Please, don't ever ditch your party!" Barbara said problematically as she steps to be in front of me while walking backwards. "Please! Hindi naman porque wala na kami sa candles mo ay hindi kami pupunta! Nandoon pa rin kami!"

Tumango-tango si Loti na parang tuta.

"We're thousand percent sure that we'll go to celebrate with you!"

Suminghap ako at iniwasan sila ng tingin dahil nanggigigil na naman ako sa nangyari.

"Buo na desisyon ko, wala rin naman akong gana roon. I don't like parties for me, remember?" I smiled reassuringly.

Dismayadong-dismayado ako, medyo sinisisi ko rin ang sarili dahil ako dapat iyong nanigurado sa una pa lang. Excited pa naman sila, first time kasi masali ni Loti sa eighteen candles sana. Isa ako sa eighteen candles niya noon tapos ngayon sa akin, wala siya.

"Kahit pa! That's your eighteenth birthday! Kahit for memories na lang!" Loti pushed. "Please! Please! Magda-diet na ako kapag um-attend ka! 'Di ba naiirita ka kapag kain ako nang kain? Sige na, Kiya!"

I gasped as my heart hurt more, itinawa ko iyon.

"Sa tunog ng pagnguya mo lang ako naiirita! Maingay kasi!"

"O, 'di hihinaan ko na! I'll eat quietly from now on!"

Nailing na lang ako at natawa.

"Baliw ka, um-attend ka!" si Barbara.

Siniko siya ni Loti at inirapan. "How poor! Dapat kasi may kundisyon ka rin, Barbara!"

"Uhm, ano ba..."

"Sabihin mo, hindi ka na magkakagat ng kuko mo o magpapatalo ka na sa kanya sa bilyar!"

I laughed.

"Oo, sige 'yon!" sang-ayon ni Barbara. "Besides, gusto ka rin naming makitang naka-gown! Ang tagal kong hinintay magsuot ka ng dress, papalampasin ko ba 'yong gown pa!"

I can't believe they're doing this for that meaningless party! Kahit pumunta sila roon, wala akong pake—buo na ang desisyon ko dahil galit ang namumuo sa akin. I don't think it will go smoothly tomorrow night, kung magpa-party sila, sila na lang. Puwede pa rin naman sila pumunta.

"E, 'di pumunta kayo!" tawa ko.

Nagpalakpakan naman ang dalawa.

"She's going to wear a gown!" hagikgik ni Loti. "Yes!"

Epicenter Tape #2: Point in TimeWhere stories live. Discover now