#PIT0

150K 4.2K 3.5K
                                    

#PIT0

"Tss..." I rolled my eyes to avoid the poster.

I scratched my nape while walking on the sidewalk, hawak ang customized skateboard. The sun was up and it's irritating in the noon time, minsan magulo ang mood ko - gusto ko rainy days pero nakakalungkot kaya hinahanap ko ang araw at ngayong narito... ayaw ko naman.

To be honest, I feel exhausted. I don't know where or why, I just feel like giving up on everything. Suki ako ng sermon nitong nakaraang mga buwan, hindi ko alam kung kailan nag-umpisa pero madalas akong pag-initan. Feeling ko, sentro ako ng pagkakamali.

"Ang daming promotions ng kapatid mo, 'no!" hagikgik ni Loti.

Charlotte or Loti is my best friend, she's a chubby small girl. Madalas siyang tawaging gasul o piglet ng mga kaklase namin noon, ayos naman ang itsura niya para sa akin. Mayroon lang talagang kaniya-kaniyang pagtingin ang mga tao sa paligid, it can be bad or good or even worse. Madalas nga lang, masama.

Umirap ako. "Band sila, hindi lang siya ang nandiyan."

My brother's one of the popular people around, kahit hindi pa siya trainee noong nakadiscover na management sa kanilang banda. Hindi nakakapagtaka, guwapo kasi at kilala sa eskwelahan simula highschool hanggang college. Bata pa lang daw, alam na ang passion sa musika kaya madalas kasali sa music activities o grupo na nabubuo sa school kasama ang ilang kaibigan.

"Apaka hater mo naman, siz! Hindi ka ba proud? Miski band pa 'yan!" natatawang aniya, puno ang bibig sa kinakaing Japanese pancake.

I glared at her. "Ba't ako mapaproud? Nanay niya ba 'ko?"

It actually annoys me, the fact that he's always on the topic makes me wanna run away from our family. Hindi ako parating nasesermonan noon, e. Kaso dumarating talaga sa punto na magkakaroon ng kumplikasyon at kumparahan, dalawa lang kaming magkapatid kaya madalas ngayon na kinukumpara ang mga gawain. Kesyo, mas maayos pa raw ang ginagawa ng Kuya ko kaysa sa akin - kababaeng tao.

I wanted to shout, hey! I'm only seventeen, relax! But it would be a stupid reason. Hindi dahilan ang pagiging bata sa kalokohang ginagawa, may isip ako. I just wanna enjoy the life of being young, and my father isn't that type of chill daddy! He's so matured and idealistic that makes me want to puke every ugly knowledge. I was never ideal for a kid but I should.

Naiinis lang ako na kailangan pang ikumpara dahil may sarili naman akong pagkatao. Minsan tuloy, ayaw ko sa kapatid ko dahil mas naihulma siyang magaling sa lahat.

"Siyempre, kapatid ka! Kapamilya, hello! Malapit na sumikat ang kapatid mo, ay! Sikat na pala kahit trainee pa lang ng Presonus! Kung ako, ikaw? Naku, ipagmamalaki ko 'yan!"

I smirked. "Hindi ka naman ako, I don't need to be proud of him. We're just siblings, I'm not his Mom."

"Taray mo! Kaya walang nagkakagusto sayo, e!" buska niya.

"K."

She gasped and clung on my arm while we're walking on the sidewalk to the pedestrian, hinayaan ko iyon kahit mabigat ang braso niya. She continued talking about my brother, I was just making faces and rolling eyes because she sounds so fond of him. Hindi na nagsawa sa pagmumukha ng kuya ko.

We rode a jeep to Intramuros, tuwing pagkatapos ng klase ay dumidiretso kami rito o 'di kaya sa Luneta para magpalipas oras. Hindi naman kalayuan sa eskwelahan namin, I just want to spend my time here even without Loti because it feels peaceful to me. Kahit marami talagang tao, gusto ko lang ang lugar dahil historical lalo na ang Luneta. I like the ambiance.

"Hoy, huwag ka na magskate!" sigaw ni Loti sa akin nang ibaba ko ang board. "Mabagal ako maglakad! Hinihingal na rin ako!"

"Problema mo 'yan!" I laughed and rode my board.

Epicenter Tape #2: Point in TimeWhere stories live. Discover now