#PIT26

49.5K 2.5K 1.4K
                                    

#PIT26

I was nervous, I didn't know what to do. Umuwi ako sa bahay na magulo ang isip at hindi mapakali sa sinabi ni Tanner. It feels surreal, I couldn't even believe he said that. Kahit hindi niya naman sinabing oo ay sapat iyong sagot niya para maintindihan iyon.

I just got really mad because of my thoughts.

Hindi naman malabo iyon sa totoo lang dahil wala akong nakita na nakamove on na siya sa nangyari sa kanila ni Yuli. I like him but I don't trust him. I feel insecure, seems like he just like me back because he doesn't have any option.

I'm hurt to be honest. I know that I should be happy about it but the first thing came to my mind was that he's taking everything lightly because he was hurt from the past relationship.

Iyon nga, siguro hindi na siya babalikan ni Yuli at ako iyong malapit na puwede niyang gustuhin kahit kailan lang kapag hindi na puwede kay Yuli.

Tanner: You home?

Narito na naman ang kaba ko nang mabasa iyon, I really need to be collected so I wouldn't look pathetic. Dapat matapang din ako sa kanya, hindi lang kila Gio at Warner. Pare-pareho lang naman silang lalaki.

Ako: Oo.

Iyon ang sagot ko kahit nasa labas lang ako malapit sa gutter sa tapat ng bahay namin, I'm slowly rocking my skateboard while sitting on it with parted legs. I looked at the house in front, walang kotse sa garahe kaya siguradong wala pa sila Mommy at Daddy.

I wonder when... when is he planning to tell that to Mommy. Paano na kaya ako kapag nangyari iyon? God, why am I suddenly thinking about it? I'm sad but I can't really be in the middle, they are adults already. Alam kong masisira kami pero naf-frustrate akong isipin iyong sinabi ni Daddy, si Mommy lang ang choice ko dahil hindi ako isasama ni Daddy sa bubuuin niyang bagong tahanan.

Nawaglit ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone, napabuga ako ng hininga at sinagot iyon. I thought we were going to talk in person about it? Gusto ko rin naman iyon pero siguro hindi pa ngayon dahil masyado pa akong tensiyonado.

"Oh?" I answered crudely.

"Gusto ko lang tanungin kung ayos lang ba sayo na mag-usap tayo ngayon," walang kaba niyang tanong.

Parang wala lang talaga iyong sinabi niya kanina.

"Oo, pero sabi mo sa personal."

He chuckled softly. "Yeah, on my way. I'm just really worried baka kasi nabibilisan ka kung ngayon na."

Napalunok ako. On my way? What? Dito?

"I want to talk... now," I decided. "Habang may libre pa akong oras."

I think this is just the right and free time I can listen, hindi ko rin alam kung bakit pakiramdam ko ay biglang nawala iyong tension kong nararamdaman kanina simula nang maisip iyong tungkol sa pamilya naming masisira anumang oras dahil kay Daddy.

"Okay... I'll text you when I'm already outside."

"I'll wait," I said flatly then cut the line.

Huminga ako ng malalim at tiningala ang ulo, I stared at the sky to think about things may happen after this night. Nagtagal ako sa ganoong pagmumuni-muni. Kaya lang nakaramdam na naman ako ng frustration kaya padabog akong nagkamot ulo saka ginulo ang buhok ko pagkalipas ng ilang minuto, binaba ko ang tingin sa kasuotan. I just went from skating around the village, napawisan nga pala ako at nakakahiya kung madungis akong makikipag-usap sa kanya.

Bakit hindi ko naisip iyon agad?!

I immediately rose up and took my board, saktong patakbo ako sa gate ay nasilaw na ako sa ilaw ng sasakyang kadarating lang. My eyes narrowed and looked at the car, it's the usual dark blue pick up! My heart started beating nervously but I decided to set my nervous aside.

Epicenter Tape #2: Point in TimeWhere stories live. Discover now