#PIT32

47K 2.3K 761
                                    

#PIT32

Naghatid si Tanner ng pagkain sa akin gaya ng kanyang sinabi, hindi rin siya nagtagal dahil kailangan daw niyang magpahinga kaya umuwi agad sa apartment nila.

Medyo guilty ako dahil naabala nga yata siya, mukhang pagod din at malamlam ang mga mata sa kaantukan. I was a bit relieved, too, that I didn't need to invite him in because my unit is still messy. Sa pasilyo lang kami nag-usap.

I enjoyed the food he brought me, I also offered to pay him but he heartlessly refused with a glare.

Pagtapos kumain ay namahinga ako, hindi ko namalayan ang sarili sa kapaguran at nagising na madilim na ang kalangitan sa labas ng bintana. I was bombarded with Loti and Barbara's chats, they were telling me to get ready for the night out by eight.

Barbara:
Hey! Are you done?

Loti:
Doon na kaya tayo kay Kiya tumambay at magpasundo kay Ralph?

Barbara:
Can we add Ralph and Warner here?

Loti:
Tanong mo si Kiya hahaha

Maui:
Add mo na para isahan na lang 'yung usapan

Loti:
Go, Barbs!

Barbara:
Okay!

Barbara added Warner and Ralph. Iyon ang dalawang lalaki na matalik niyang tropa na naging kaibigan ko na rin, wala naman akong issues kay Warner kaya ayos lang na sinali siya sa group chat.

Maui:
Nasaan na ba si Kiya?

Loti:
I bet she's sleeping, pagod na pagod 'yon kanina

Barbara:
Ralph, sunduin mo na ako

Ralph:
Oo nga, maghintay ka at maliligo pa ako

Barbara:
Sige, 3 mins ka lang naman maligo, 'di ba?

Loti:
Yuck! Ligo ba 'yun?

Ralph:
Maka yuck ka naman, Charlotte! 'Yung crush mo nga dati sipunin pero hindi mo ni-yuck kahit kailan!

Barbara:
Hahahaha

Loti:
Hindi ko na crush 'yon! Kadiri ka!

Barbara:
Bilis na, Ralph! Huwag ka na mag mariyang palad sa banyo at mas matagal pa 'yan sa pagligo mo!

Maui:
Lmao

Loti:
Nag-seen na si Kiya

Barbara:
Kiya? Ano na? Nasa ulap ka pa ba?

Ako:
Maliligo na ako

I locked my cellphone as I yawned. I lazily went to the bathroom, I took a brisk shower for thirty minutes because I couldn't get enough of the warm water from the shower. Hindi ko namamalayan ang oras at namilog lamang ang mga mata ko nang marinig ang pagtunog ng buzzer.

I immediately covered my body with my blue towel and hastily went out of the bathroom, tumutulo pa ang buhok ko at hindi nakapagpunas masyado. Ilang beses na tumunog ang buzzer kaya iyon ang tinungo ko para buksan, narinig ko agad ang ingay nila Loti at Barbara pero hindi lang sila ang bumungad sa akin. Ralph and Warner are also with them.

They all turned to me, Loti and Barbara's eyes widened shockingly while looking at me. Irritated at how many times they pressed my buzzer, I threw them a glare.

"Hindi niyo kailangan pindutin nang pindutin ang buzzer!"

Sumipol si Ralph at agad tumalikod para tingnan ang pasilyo, Warner looked down at his cellphone. Laglag ang panga ni Barbara at si Loti ay nangiwi, tinuro niya iyong katawan ko pababa.

Epicenter Tape #2: Point in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon