#PIT27

56.7K 2.8K 1.2K
                                        

#PIT27

Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan, siguro epekto pa rin ito noong pag-uusap namin ni Tanner o may iba pang dahilan-marahil sa pagod na mukha at tipid na pagsasalita ni Ej. Hindi ko alam.

Honestly, I was a bit bothered when I opened the door and saw him. He looked so off but he could still invite me to join the dinner. Did Daddy tell him about it? He's his son after all and I think they're sharing secrets, men's talk. Baka nasabi ni Daddy? Pero alam ko namang walang pake si Emil kay Mommy kung sakaling iyon ang gusto ni Daddy kaya bakit parang problemado siya.

Giordan was doing the talk the whole time and I appreciate how he's trying to lighten up the atmosphere.

"It was really enjoying, how I wish you're a fan of bands, too!" Gio snickered.

I rolled my eyes. "I just don't really wanna be your band's fan but I'm a fan of other bands."

"That's unfair, Kiya! What band, by the way?"

I shrugged. "Hindi pa nagde-debut!"

I feel suddenly bad for saying this, I glanced at Emil who's busy with his cellphone. I hope he's fine, feeling ko ang hirap-hirap ng career niya at sumasabay iyong family issues.

"Wow! So, you're already a fan and just waiting for them to be fully developed!"

"Whatever you say, Gio. Ang daldal mo." Tumayo ako at lumakad patungong counter para dalhin ang pinagkainan ko sa sink pero kinuha iyon ni Gio, umawang ang labi ko habang sinusundan siya ng tingin.

"Ako na! Ako na rin ang maghuhugas, ako na ang lahat!"

Natawa ako. "You're a rich kid, sure you can't wash the plates cleanly! Let me wash the dishes!"

"Akala mo lang 'yan! Pinaghuhugas nga kami ng sarili naming pinggan ni Ej dito, e! Hindi mo lang talaga napapansin dahil hindi mo ako tinitingnan!"

"Huh? Bakit naman kita titingnan?" I said distastefully.

Humalakhak siya. "Sabi ko nga, papansin lang talaga ako!"

"Matagal ko nang alam 'yan!"

Gio is like Ajax, he's like the happy pill of ther group. Siya rin ang pinakabata. Nga lang, mas rational yata si Ajax pagdating sa usapang karera sa buhay. He's seriously taking their band's career while Gio's making it a hobby since he loves music and he already came from a well-off family-he doesn't need money that much.

The night had passed and I was kinda excited for the next day to pass, medyo kabado pero kaya ko namang dalhin kung sakaling makakasama ulit si Tanner at gagawin ang sinabi niya kagabi.

"Oh my gosh, I'm so tired today! My butt hurts from sitting for too long, inaantok na rin ako sa klase kanina!" reklamo ni Loti.

"Mag drop out ka na kung nagrereklamo ka." Tawa ni Barbara.

"No way! Ang babait ng classmates ko! 'Tsaka wala naman sa batas na bawal magreklamong napapagod na ako sa school, ah!"

We laughed. Barbara's taking nursing while Loti's accountancy.

Naiinggit ako kay Loti dahil mababait ang kaklase niya, hindi gaya ng sa akin na puro suplada at walang gustong makipag-kaibigan. Walang gusto o ayaw lang talaga, hindi ko sigurado pero kahit ganoon ay nao-offend ako. Bakit kaya ayaw nila ako maging kaibigan? Bakit ayaw nila ako i-approach?

We went out to eat lunch at 3pm, tapos na ang klase ko pero sila ay may ilang klase pang kailangan pasukan mamaya hanggang alas sais. Iyon lang ang gusto ko sa kurso ko, e. Hindi nangangain ng oras ang mga subjects.

Epicenter Tape #2: Point in TimeWhere stories live. Discover now