#PIT35

46.9K 2.2K 666
                                    

#PIT35

I called Mommy right after I went out of the bathroom, hindi niya naman iyon sinagot kaya hindi ko na kinulit pa at mukhang hindi naman importante dahil wala siyang mensaheng sumunod.

Normal na iyong tumatawag siya para mangumusta sa pag-aaral ko, marahil iyon din ang kukumustahin niya ngayong gabi kaya napatawag.

I had dinner with Tanner, we were just talking about bands and stuff.

"Kung ganoon, Black Stallion din ang unang inidolo niyong banda?" nalilito kong tanong, madalas kasi niyang mabanggit ang bandang iyon at ganoon din nila Ajax kapag nasa hideout.

Tanner shrugged hesitantly.

"You can say that, pero mas aktibo kami sa usapang The Sealed kahit noong nagsisimula pa lang sila at hindi pa nagde-debut." Natawa siya. "Ajax is so fond of starting bands kaya iyon din ang napag-uusapan namin kapag usapang banda."

"May iba pa bang banda na under ng Sonic Sounds?" tanong ko at nilapag ang bowl na wala nang laman sa lamesitang pinagkakainan namin.

"Buo na? Wala pa." Umiling siya. "Mas focus sila ngayon sa pagpapa-audition saka sila mamimili kapag trainees na at bubuo ng banda o grupong sala na iyong mga members 'tsaka magbibigay ng pangalan."

"Buti hindi ganoon sa inyo dati!" mangha kong sambit.

He chuckled. "Hindi rin naman ako mag a-audition mag-isa kung sakali. Hindi ko naman intensyon mag-banda noon kung hindi lang dahil kay Ajax, hindi ako mahuhumaling sa music."

"Talaga? I thought it was your dream since then!" I gasped. "So, dahil kay Ajax kaya ka nasa banda ngayon? Hindi ka talaga mahilig sa banda noon?"

Malakas na tumawa siya.

"Hindi nga ako marunong kumanta, e! Hindi ko talaga naisip iyang pagba-banda dahil wala rin akong talent sa kahit anong instrumento noon at hindi ko hilig makinig sa musika! Nakilala ko lang si Ajax kaya natuto akong mag-gitara hanggang sa nagtuloy-tuloy na!"

Namilog ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan ang kuwentong ito, I have always thought that he loved to be in a band since he was a kid like Emil and the other members of the bands!

"E, ngayon? Dahil pa rin ba kay Ajax kung bakit ka Epicenter?" hindi ko alam bakit ako dismayado agad kung sasagutin niya iyon ng oo.

"Of course not! I wouldn't have volunteered myself to be the first member if I didn't like to be in a band! Ang sinasabi ko lang ay hindi ko hilig ang kahit anong tungkol sa musika noon at hindi pinangarap. Si Ajax ang naka-impluwensiya sa aking mahumaling sa music kaya nang mag-college, iyon talaga ang pinagkaabalahan ko."

That relieved me! I thought he would say yes! I just couldn't accept the thought of he was just forced to be with them because they made a very good bond as a band together!

"Paano mo pala nakilala si Ajax?"

Napaisip siya at nangunot ang noo nang magbalik ng tingin sa akin, napakurap-kurap siya at lumabi. Kinabahan naman ako sa paninitig niya kaya kunwaring nginiwian ko siya.

He laughed. "I couldn't really remember how pero magkapit-bahay kami noon, may tindahan si Mama at madalas bumili si Ajax kapag inuutusan ng Mama niya. Ako yata iyong bantay isang beses, doon ko siya nakilala."

Natawa ako, hindi ko ma-imagine na masunuring anak si Ajax!

"Ilang taon kayo noon?"

"Fourteen siya, seventeen ako."

"Wow! Ang tagal niyo na palang magkaibigan! How 'bout the others? Eris, Hesperus and Kees?" I enthusiastically asked, nag-indian sit ako at humawak sa mga paa ko habang nakatunghay sa kanya.

Epicenter Tape #2: Point in TimeWhere stories live. Discover now