#PIT47

52.8K 2.7K 1.5K
                                    

#PIT47

My pictures spread on social media like fire of the opening league that Monday, my teammates were so shocked when I went into our changing room before the game started. I was glad that they didn't call it ugly nor any negative word to hurt my confidence.

Gustong-gusto ko pa naman iyong buhok ko dahil kahit hindi ayusin ay walang problema.

I didn't expect I'd be on Monday trends; people were talking about my new look and haircut. Na-corny-han ako dahil ginawan nila ako ng hashtag! I wasn't even treating myself as a celebrity nor anyone in showbiz. I was an athlete of Rockwell University. Mabuti sana kung kasali na ako sa team ng Pilipinas, and the hashtag didn't even relate sports.

"Hashtag Bolivarcut! Hanep! Famous!" pang-aasar ni Ralph sa akin sabay kuha ng litrato mula sa cellphone niya. "Post ko sa IG story, famous friend check!"

Nginiwian ko siya at tinulak, tumawa siya habang nag c-cellphone. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na naging sila ni Loti. I just didn't see them as a future couple, our friendship wasn't for that. I thought.

"Naalala ko tuloy si Rekta Hontiveros, siya iyong may hashtags palagi kapag may bago sa paningin ng fans niya! E, parati naman talagang may bago sa kanya dahil model siya at paiba-iba ang looks!" tawa ni Barbara. "Hashtag RektaHairstyle, RektaGuns, RektaMullet, RektaFavFood! Bla-bla! Dios ko, lahat ng tungkol sa sikat may pa-hashtag!"

"Bakit pa nagkaroon ng trending kung iyan ang irereklamo mo?" tawa ni Ralph. "Dude, we're living in this generation where popular people matter so bad! Sinasamba na mga idols ngayon, kulang na lang patayuan ng simbahan!"

We laughed. Iyon din ang pansin ko pero normal na iyon sa mga die-hard fans, may dahilan naman. Some of the popular people are inspiring and they earned their fans' admiration by being a good figure. Wala namang masama kung idolohin sila, mayroon lang din talagang ibang fans na masyadong ginawang relihiyon ang pag-iidolo at humahantong na sa pangbabash ng ibang taong nasa isang larangan ng idolo nila o nakakatambal.

"Oo, dami ring bashers!" sabi ni Barbara. "I can't understand these people! Tingnan niyo may bina-bash na bago, ah? Dahil sa litrato!"

"Si Felicity ba?"

"Oo! Iyong kapatid ni Caasi!"

Napakurap-kurap ako habang nakikinig at kumakain, I ordered myself a Chicken Katsu — my favorite in Mcdo.

"Bakit ba?"

"Iyong idol mo sa bagong banda kasi nakakamabutihan yata noon sa IG! Fans of Felicity are happy about it but the man's fans are bashing her!" ani Barbara.

"Tanner Guidotti? Oo nga pala, may ginagawa kasi yata silang kanta at parehas namang composer kaya anong iniiyak ng mga bashers? Mga immature talaga fans ng mga lalaki sa banda minsan."

"Sinabi mo pa! Akala mo naman papakasalan na agad ni Tanner si Felicity!"

I feel a bit bad for Felicity. Now I realized why they shouldn't have a public relationship with anyone, it would be a trouble.

Kumamot si Ralph. "Ano ba 'yan, bago pa lang 'yong banda may toxic fans na agad!"

"True! Anyway, I like their first mini album! Iyong mga kinanta nila sa debut showcase! Nakakilig iyong vocalist nila, napakaganda ng boses! Damang-dama iyong kanta."

Ralph looked delighted at the sudden topic.

"Maganda nga lahat ng kanta nila, I didn't expect I'd be a fan. Narinig ko lang kasi sa kapatid kong malakas sound trip sa bahay 'yong She's Midnight. Naalala ko si Loti sa the she with stars in her eyes lalo na pag nakakakita ng pagkain. 'Tsaka midnight din kami madalas magkita dahil busy si baboy sa umaga hanggang gabi."

Epicenter Tape #2: Point in TimeWhere stories live. Discover now