#PIT13

46.2K 3.1K 1.8K
                                        

#PIT13

Tannervoight: Nakalimutan kong hingin # mo, send me here now while I'm holding my account.

My heart was pounding as I sent my number, hindi na siya nag-reply noon pero nakita kong seen iyong message ko kaya sapat na sa akin.

Hindi ko masyadong naintindihan iyon, while he's holding his account? What does that mean?

Suminghap ako nang matantong, baka alam pa rin ng ex-girlfriend niyang mahal iyong password niya sa social media accounts.

So, what does that make me? Wait, ako lang naman iyong may kakaibang nararamdaman kaya marahil—normal lang ang pakikipag-usap niya sa akin o paghingi ng numero. Wala iyong ibang ibig sabihin para sa kanya pero baka magselos iyong ex-girlfriend niya at hindi na siya balikan?

I took a deep breath and shrugged those things I shouldn't be worrying about right now.

Tanner is just a friendly man, period.

"Kiya!" tawag ni Emil sa veranda nang dumaan ako dala ang skateboard ko.

I halted. "Why?"

"Bilin ni Tita na huwag ka na palabasin habang wala sila kasi parating na raw ang makeup artist mo." Tiningnan niya ang board ko pero nagbalik din sa mukha ko. "May pupuntahan ka ba?"

My hold on the board tightened. "Wala, hindi ako lalabas."

"Kung may bibilhin ka, puwede mong sabihin sa akin. Maraming utusan dito." Natatawang aniya sabay nguso sa mga kaibigan.

I glanced at the veranda.

Doon sila nagpupulong-pulong magkaka-banda habang maingay na nagtatawanan, sobrang ingay ni Ran lalo na si Giordan na panay ang bangka. Reitius and Jazzer were the normal ones, they'd just laugh and jibe. Si Emil isa pang maingay, ang lakas tumawa at nananakit kapag tumatawa kaya parating kawawa ang katabi niya.

Tinanguan ko na lang siya at bumalik sa itaas.

Nasa veranda sila, hindi ako makakadaan doon dahil mahaharang ako agad. Pumasok ako sa kuwarto at sumandal sa pinto habang nag-iisip, my mind lightened as my eyes directed to the window. Bakit nakalimutan kong tumatakas ako dati mula roon?

I chuckled and ran towards the window frame to look outside.

It's a roof and there's a fire escape ladder on the left side, malapit din sa bintana ng kuwarto ni Emil. Pagbaba ay dirty kitchen ng bahay namin at mga kulungan ng aso, I sighed in relief as I went to my bed and laid down with a wide smile.

My phone beeped on my belly, I opened it.

Loti: Hey! Anong kulay ng gown mo?

Ako: Dark green, almost black. Why?

Loti: Hindi siguro ikaw namili ng motif, 'no?

Ako: Lahat si Mommy.

Loti: I knew it! But why hot pink? Hahaha, nakakaloka naman ang Mom mo! Ayaw mo sa pink pero push lang siya!

Ako: Hindi na nakakagulat 'yan. Pati nga sa candles at roses, siya na. Hindi pa talaga kayo sinama.

I'm getting pissed again. Birthday na birthday ko ay naaalibadbaran ako sa mga nangyayari.

Loti: Minsan, napapaisip din ako sa trip ng Mom mo. Hahaha but anyway, don't worry about the candles anymore. We printed our speech so you'd read them.

Loti: OMG! Secret pala 'yon!

Napailing at natatawa na lang ako.

I read the other messages.

Epicenter Tape #2: Point in TimeWhere stories live. Discover now