#PIT16

40.3K 2.4K 1.1K
                                    

#PIT16


I fell asleep.

Iyon lang ang alam ko nang imulat ang mga mata, natagpuan ko ang sarili sa isang silid na walang ilaw pero mayroon namang liwanag mula sa pintong nakabukas. I'm lying on foam at the ground, may mga gitara sa pader at old CDs na tila ginawa iyong pang disenyo sa haligi.

I blinked my eyes while sitting up, hindi naman masakit ang ulo ko pero lasa ko pa rin ang alak sa aking bibig. My throat feels dry. Huminga ako ng malalim at binabaan ng tingin ang foam, my cellphone was beside the pillow including my wallet, kinuha ko ang cellphone upang tingnan ang oras.

Namilog ang mga mata ko. It's past three in the morning!

Kabado akong tumayo, ngayon ko lang napansing wala na iyong sapatos ko at may suot na akong pulang hoodies. Pakiramdam ko ay sobrang gulo ng itsura ko, my curled hair was frizzy.

Dinig ko ang usapan at tawanan, lumabas ako at natagpuan ang gising pa rin na si Ajax, Hesper at Tanner. Eris was sleeping on the couch with no top but only his trousers, nasa dibdib niya ang unang maliit at bahagyang nakanganga. Kees was also asleep but sitting, his upper body was just slanted to the corner of backrest and armrest with fluffy pillow—hair's covering half of his upper face, his small lips were in a grin line. Si Ajax at Hesper ay sa sahig nakaupo at abala sa pinagtatawanan habang si Tanner ay tamad na nakaupo sa tabi ni Kees, nakasandal ang batok at bahagyang nakatingala pero na kila Ajax ang panonood; natatawa.

I blinked and shrugged off the last memory I remember.

"Dali!" si Hesper habang tinutulak ng paa si Ajax.

Ajax laughed quietly as he squeezed the calamansi on Eris' parted lips.

Napakurap-kurap ako habang pinapanood sila. Eris pressed his lips as his eyes tightened and face distorted in distaste, he groaned huskily with anger.

Anong trip nila? Gusto ba nila magsuntukan?

Humagalpak sila sa tawa.

"Putangina mo, Ajax," antok niyang sambit.

"Si Hesper 'yon!" turo ni Ajax.

Iritadong kumamot sa ulo si Eris, he blew the seed directly on Ajax who quickly dodged it that made them laugh more. Tumalikod na si Eris at tinago ang mukha sa unan.

"Dugyot ka!"

"Dapat sili," suhestiyon ni Tanner.

"Oo nga para solid."

"Don't even try," Eris mumbled. "Matulog na nga kayo, may voice lesson ka pa mamaya, four eyes."

Nag v-voice lesson pala si Tanner. Good for him, madalas kasi siyang asarin na sintunado sa kanila. Eris, Ajax and Hesper can really sing. Si Tanner ang hindi ko pa naririnig kumanta sa kanila pero maganda naman ang speaking voice niya, malalim na malamyos.

Tumayo si Ajax dala ang ilang kalat sa lamesita, napansin niya agad ako nang mag-angat ng tingin.

"Gising na si Haw-haw!" ngisi niya at nagtaas ng kilay. "Ayos ka na ba?"

I walked simply towards their side, I nodded.

"Oo, uuwi na ako. Nasaan ang sapatos ko?" normal kong tanong at humawak sa sandalan ng isang couch na libre.

"Ewan ko kay Tanner, natipuhan yata!"

Hesperus laughed and stood up, too, he started helping Ajax to clean up. Uminit ang pisngi ko at hindi makatingin kay Tanner kaya nakitulong na lang ako kila Ajax sa paglilinis muna.

"Hey!" agaw pansin ni Ajax at hinawakan ako sa balikat. "Kami na rito." Inayos niya ang tikwas sa buhok ko at ngumisi. "Just fix yourself before going home."

Epicenter Tape #2: Point in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon