#PIT15

43.3K 2.7K 2K
                                    

#PIT15

I was bothered as the night continued to roll, I hate how I am feeling and how I revealed it myself that I didn't get to understand for the past weeks. I can barely remember how it started or when, I couldn't even count how long we've been friends but I'm sure it wasn't that long yet!

So, how is this happening to me? Is this really possible? I like him for what? I have so many whys in mind but I can't ask the reason directly. Hinding-hindi ko aaminin ito sa kanya, ayaw kong magkaroon ng ilangan sa pagitan namin lalo pa't ako lang naman ang nakakaramdam nito.

I don't know if this is really a part of being eighteen or what, bigla ko na lang kasi iyong nasagot sa sariling isip—na ito ay sign na gusto ko siya.

I should be ashamed that I'm feeling this towards him. He's just treating me as a friend and like a younger sister as how the other Epicenter members treat me.

I tried hard to shrug it off for tonight because I don't want to ruin their effort to give me this eighteenth birthday celebration. Hindi lang ito si Tanner, kundi pati na rin ang iba pang pinapasaya ako ngayon.

Actually, I still have a lot of problems to deal with. Sigurado akong hindi magiging madali ang pag-uwi ko mamaya, wala rin akong alam kung natuloy ba iyong party o hininto nila dahil wala ako. Pinagdarasal kong huwag naman sana, puwede naman silang magsaya na wala ako.

"Ilang taon na ba si Anya-re, Tan?"

"Turning twenty," sagot ni Tanner.

Nakikinig ako sa kanila habang nagkukuwento tungkol sa mga kaibigan sa Batangas kung saan sila nagmula at na-discover.

"Tanya is Tanner's younger sister from their father, sobrang kulit no'n!" kuwento ni Ajax habang tumatawa at kumakain ng chips. "Siguro 'pag naging kaibigan mo 'yon, gugustuhin mo na lang lumipat sa Mars! Pakadaldal, daig pa parrot!"

"Baliw na baliw kay Kees!" Eris added laughingly.

"Gago, baka i-kuwento kay Ran!"

Kumunot ang noo ko sa kuryoso. "Bakit? Anong mayroon kay Rangvald?"

Alam ko na kilala nila si Ran at ang iba pang The Sealed members dahil sikat na iyon around Manila, hindi na ako magtataka kung idolo rin nila ang banda dahil nagsisimula pa lang sila. I glanced at Kees who's busy with a paper, ginagawa niya iyong eroplano. Iyon yata ang hobby niya sa isang tabi.

Ajax shrugged. "Boyfriend ni Tanya 'yon, e."

"Paano sila nagkakilala? Taga rito si Ran, ah!" naguguluhan kong usisa.

Hindi naman sa tsismosa ako pero ayaw kong manahimik, I feel like I'm gonna bore them. Iyon pa ba ang isusukli ko sa ginawa nila?

"May bahay yata sa Batangas, sabi ni Tanya roon daw lumaki si Ran at lumipat lang sa Manila eventually. Doon din namin siya nakilala dahil may gig kami nila Jacques sa La Verde, sinama siya ni Emil. Doon nag-umpisa ang kanilang lab-istory!"

Eris and Hesperus laughed; Tanner just shook his head.

"Tsismoso!"

Ajax gave me the shot glass again; this would be my second shot of some whiskey they bought. Pinaikot na kasi niya iyong sinasabing eighteen shots na para lang sa aming lima pagtapos magkainan kanina, I didn't eat a lot. I just took doughnuts and chicken, hindi ako gutom, e. Hindi ko alam kung paano ako nabusog pero siguro sa mga nararamdaman ko ngayong gabi kaya hindi makaramdam ng gutom.

Kees isn't drinking and I don't know why. Tinanggap ko ang basong maliit, hindi gaya noong una ay mas puno ang ngayon.

"Why is it full shot, Jax?" Tanner complained simply. "Doon lang sa line ng shot glass, puwede na."

Epicenter Tape #2: Point in TimeWhere stories live. Discover now