#PIT34

46.1K 2.5K 1.1K
                                    

#PIT34

Lumipas ang mga oras sa Nightlite, Tanner said his goodbye to me on text few hours ago and I'm still with my friends. Hindi ko alam kung anong oras kami uuwi kasi puro extend si Loti at Barbara dahil hayok yata ngayon, Emil also asked me if I'm already home by now but I couldn't reply because my mind is up the spout as my sense of hearing.

Emil:
Nakauwi ka na ba?

Tanner:
How's the night going?

Tanner:
Don't take shots continuously, chill lang.

Giordan:
Hey, are you still at Nightlite?

Tinabi ko ang cellphone, walang lakas mag-reply.

Inabutan ako ni Paco ng panibagong shot habang nakikipag-usap, I drank it and shrugged at his question.

"I'll probably work under our family business, so, I don't—" bahagya akong sininok kaya natawa ako. "...really think about my future job a lot."

Totoo iyon, hindi ko na iniisip dahil iyon naman talaga ang plano sa akin ng parents ko kaya nga business ang pina-take nila sa akin simula't sapul. It felt like I was born to be their employee.

Noon, galit ako dahil hindi man lang nila ako pinagbigyan makapili ng gusto sa buhay pero kalaunan ko ring natututunan intindihin iyon. Magkakapera pa rin naman ako sa pagta-trabaho roon at hindi na masama.

"I see, that's great news for you. At least, hindi ka namomroblema kung anong future job mo."

He took the glass shot and poured for Loti beside me, nilingon ko si Loti na sobrang likot na at sumasayaw sa inuupuan. Mabuti na lang at naroon si Ralph para alalayan iyong likuran niya kapag tila mahuhulog.

"She can't take a shot anymore," I said. Kinuha naman ni Ralph ang shot glass at siya iyong lumagok noon.

Paco nodded and laughed. "Lasing na si Loti?"

"Malapit na kaya huwag na sanang umabot pa sa masusuka iyan sa sasakyan mamaya."

"Huwag ka na rin uminom, Kiya," dinig kong paalala ni Warner sa tapat kaya napatingin ako. "Baka masuka ka kasi sa sasakyan ko mamaya."

Paco laughed a bit. "You sound more like a boyfriend than a friend, dude!"

"I'm concerned," agap ni Warner sabay simsim sa bote ng beer. "Besides, look at Kiya. She looks tipsy now, it's better to stop taking shots."

I blinked my embarrassment, napatango na lang ako pero iba na talaga sa pandinig ko ang mga bagay-bagay ngayon kaya gusto ko na munang manahimik at magpakalma ng hilo kaso hindi naman ako tinitigilan ng kadaldalan ni Paco.

Eventually, I decided to get busy with my cellphone. Ni-reply-an ko ang mga dapat, napansin kong medyo magulo pa ang ibang letrang nailagay ko sa text pero maiintindihan naman siguro nila iyon.

Giordan:
Good, is Nightlite still crowded?

Nilingon ko ang paligid pero lumabo lamang ang paningin ko dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw na nagsasayaw kasabay rin ng mga nakita kong nakatayong mga tao.

Ako:
A bit.

Giordan:
May tumutugtog pa rin?

Ako:
Op meron pa nsman.

Giordan:
Lol, your reply doesn't seem fine now.

Ako:
Im stull gopd!

Giordan:
Di mo sure hahaha

Ako:
Ewsn ko syo!

I stopped replying kahit na nag-text pa siya at nangulit, binasa ko iyong thread namin ni Tanner pero wala siyang sagot sa last na reply ko sa kanya.

Epicenter Tape #2: Point in TimeWhere stories live. Discover now