#PIT43

51.6K 2.4K 1.7K
                                    

#PIT43

"Patingin nga..." malamyos na sambit ni Tanner habang inaayos ang mga papel na nakakalat sa lamesita.

Wednesday, We're at hideout and I just arrived from Rockwell, hindi pa ako nakakabalik sa training dahil hindi pa naghihilom iyong sugat sa mata ko gawa noong nangyari sa game three days ago kaya hindi ako buong araw sa Rockwell ngayon.

Tumayo siya para suriin ang mata ko, maingat ang paghawak niya sa pisngi ko at tiningala sa kanya. He's tall, he wouldn't see my face if he'd not crouch or lift my head.

"Malaki pa rin ang pasa, masakit pa ba?" aniya kasunod ng marahang pindot ng hinlalaki niya sa itaas ng mata ko.

Umiling ako. "Hindi na gaanong masakit, sanay naman ako sa ganito dahil ilang beses na nangyari sa training at game."

"Pagsabihan mo 'yong captain niyo para hindi ulitin, may usapan pala kayo sa una pa lang," may iritasyon niyang sabi at kinuha ang duffel bag ko upang ilapag sa kabilang sofa.

Natawa lang ako. Ilang beses na niyang sinabi sa akin iyon, Joey didn't apologize for what she did but she asked if I was alright when we crossed path at the cafeteria earlier. Masama lang naman ang loob ko dahil hindi ako nakapaglaro laban sa Elite at natalo pa ang Rockwell, ang yabang pa naman noong players nila kaya ang sarap lampasuhin.

I wasn't just really in the mood when we faced them but I could carry the ball to win the game together with my teammates.

"Kumakain ka ba ng maayos?" tanong niya, nasa pagsusulat pa rin ang mga mata.

"Oo naman, bakit?"

He shrugged and glanced. "Your cheeks..."

Napahawak ako sa mga pisngi ko, tumulis nga iyong cheekbones ko kumpara noong nakaraang buwan na natatabunan ng laman. I wasn't chubby cheeks but it was obvious that I got thinner than the last months, hindi ko hilig tumingin sa salamin kaya hindi ko rin pansin kung pumayat ako.

"Medyo nagbabawas ako ng timbang dahil bumibigat ako, I need to maintain my weight so my pulse wouldn't change."

"Kailangan ba talaga 'yon?"

I nodded and grinned.

"Why? Mas gusto mo ba iyong malaman ako?"

Kumunot ang noo niya at tuluyan akong nilingon para titigan, lumabi siya.

"Wala namang kaso kung malaman ka o mapayat, gusto ko kahit ano. Naisip ko lang na baka hindi ka nakakakain ng tama, iyong nabubusog ka talaga."

"Nabubusog naman ako!"

Kaming dalawa lang ang nasa hideout at abala siya sa pag-aayos ng liriko sa papel kaya hindi ko ginugulo, I tried to use his acoustic guitar on the table. Marahan kong kinakapa ang tunog, wala pa pala akong tono sa Good Nights at gusto ko sanang si Tanner na lang ang gumawa noon pero ayaw ko siyang istorbohin kaya next time na lang.

He chuckled and leaned on the armrest while looking at me, binabaan niya ng tingin iyong gitara niya na yakap ko at sinusubukan.

"How's the song you're writing, anyway?" he asked curiously.

I strummed the guitar and shrugged.

"Walang tono, hindi ako marunong gumawa kahit sa gitara."

"Anong title?"

Uminit ang mukha ko, inilingan siya. Humalakhak siya at napanguso.

"Ano kaya 'yon! Ano bang balak mo kung ayaw mo ipakita sa akin, paano kita matutulungan gumawa ng tono?"

Epicenter Tape #2: Point in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon