#PIT1

73.4K 3.1K 1.9K
                                    

#PIT1

"Uy!" kalabit ni Loti sa akin.

Tinanggal ko ang air pods at nilingon siya.

She giggled. "Hindi ko alam kung alam mo na pero sikat na talaga Kuya mo!"

"E, ano?" balewala kong tugon at binaling ang pag-aayos sa rubber shoes ko.

That's true, though. I just don't care about his career and popularity these past few months. Hindi ko mabilang kung ilang beses sa bawat buwan pinapaalala sa akin ni Loti ang bagay na iyon, masyado siyang die hard fan. Updated sa bawat kibot ng The Sealed.

The hell, I care. I'm not that interested in bands. Sa music naman, pili lang din ang gusto kong pakinggan at hindi ako curios sa mga gumawa noon o ano.

"Baka naman kasi puwede tayong magtambay sa inyo, alam mo na..."

"Loti, welcome ka naman sa bahay kapag wala ang parents namin."

"Ha? E, nagalit nga si EJ sa akin, 'di ba? Huwag daw bad influence, ayaw ko namang mabaho ang pangalan ko pagpunta sa inyo!"

Pagod akong pumikit. "Huwag ka ngang umarte riyan! Wala akong panahong pilitin kang maniwala, nakakapagod at sayang laway ko."

"Ano ba ba 'yan, Kiya! Gusto ko lang makasigurado na hindi ako ipapahiya ni EJ kapag pumunta ako sa inyo, 'no!" himutok niya. "Ang poga mo kausap, walang support! Wala man lang palakas ng loob!"

Inis ako kumamot sa ulo. "Hindi nga kasi! Kulit mo naman!"

Ganoon lang naman si EJ pero hindi siya masamang tao at namamahiya, sa tingin ko ay nasa kaugalian na talaga iyon ng bawat kapatid. Not that I'm defending him but my mindset isn't wrong.

Humagikgik siya.

"Sabi mo iyan, ah? Sige, pero pumupunta rin ba ang Sealed members sa inyo?"

I nodded. She screamed yes.

"Okay pala! I need to take pictures of them secretly, I'll be famous! I really wanna be a secret lucky fan girl that has a credit and—"

"And that's me." Ngiwi ko. "Ang hopeless mong fan girl. You're using your friend!"

"Well, any fan girl would do that! And hey, I'm not using you! Let's just say, you're a lucky charm!"

Umiling na lang ako at tumayo para pumunta sa court, I started practicing my shooting on our village club house. May court doon, basketball at volleyball. May swimming pool sa kabilang dako at playground para sa mga villagers.

Hindi covered ang court kaya maaraw pero hindi naman na masyadong mainit ang sinag noon dahil hapon na, mainit lang ang hangin kaya pawis na pawis ako agad.

Halos mag-iisang oras akong nagtagal sa pagpa-practice ng shooting doon, nilingon si Loti na abala sa pagkain ng Vcut at marami pa siyang snacks sa bench. Napailing ako, kumaway siya nang makita akong nakatingin.

"Tapos ka na ba?"

I shook my head and continued playing the ball. I was sweating, I'm just wearing my pair of jerseys and my hair was in a tight bun with a nike hairband. Nakakairita kasi ang buhok kapag nakakalat lalo na kapag naglalaro ako kaya madalas nakatali ang buhok ko.

"Lots!" I called while shooting the ball from free throw line.

"Oh?"

"Gusto ko magpagupit."

"Anong gupit?" kunot noong tanong niya.

"Uhm, maybe boy cut?"

"Gagu ka ba, ang haba ng buhok mo! Huwag mo sayangin!" sigaw niya habang tumutunog ang lutong ng kinakain niya sa bunganga.

Epicenter Tape #2: Point in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon