#PIT28

48.3K 2.4K 1.3K
                                    

put every # of update if you're gonna tweet and share thoughts about the update on twitter so i can read.

#PIT28

I got busy with school that month, naging abala rin ang Epicenter sa kanilang training lalo pero hindi naman lumalagpas ng ilang araw na hindi kami nagkikita at nagkakasama ni Tanner. Kung hindi si hideout ay madalas kaming kumain lang sa sasakyang dala niya at hinahatid din ako sa village pagtapos.

Ganoon ang gawain namin sa lumipas na buwan, it was smooth and very relaxing from every hell day at school.

Tanner was laughing while talking about their training earlier, I was just listening and watching him simply.

These months are the most magical for me, I don't know why but it feels really weird that for straight months—I didn't feel lonely because Tanner's always around.

"Antok na antok siya kanina, hindi talaga makasabay sa practice. That was one of epic recordings we've had." He laughed while shaking his head.

"Baka may problema si Jax?" usisa ko. "Hindi naman siya madalas magkaganoon, 'di ba?"

Lumabi siya at nagkibit balikat.

"I don't think so? Nagsasabi iyon sa akin kapag may problema siya, hindi iyon nagtatago ng sama ng loob niya."

"Buti ganoon siya at hindi nagkikimkim, mahirap kasi iyong walang mapagsabihan." Tango ko.

Siguro nakakadala kapag si Ajax na iyong heartbroken. Simula't sapul kasi ay masiyahin na siya at walang pinoproblema bukod sa mga kamiyembro niya.

He nodded and glanced at me.

"Oo, kaya kapag may problema ka sabihin mo sa akin para mailabas mo kaysa tinatago. Lalong nakakasama ng loob iyon."

"Ganoon naman ang ginagawa ko, ah? You already heard about our family issue. Thanks to you, medyo gumaan din iyon..." o wala pa kasi ako sa sitwasyong iyon.

Sana.

Sana hindi na lang ituloy ni Daddy ang plano niya, sana impulsive lang siya noong araw na narinig ko. Sana hindi niya kami iwan. My heart ached at the thought. I never went to bed every night without praying for our family to stick together.

He smiled a bit and patted my head gently, I frowned and removed his hand.

"I'm not a pet! Stop doing that!"

"Pet agad?" tawa niya. "Hindi ba puwedeng gusto ko lang hawakan ang buhok mo?"

His laughter sounds nice, I always wanna hear that while we're together. I feel like it's ringing in my ears and that would also make me laugh.

We're still sitting on the trunk after watching the sunset together, nag drive-thru lang siya para may makakain kami. Hindi ako pumapayag na siya lang iyong gumagastos sa pagkain namin kaya alternate kami pagdating doon.

"Kumusta pala requirements mo? Kumpleto na ba ang clearance mo?" kuryoso kong tanong.

"Yup, makukuha ko rin diploma ko next week."

I snickered. "Buti naman, wala ka nang problema. Kaso ayos lang ba iyon? Na hindi ka nakaakyat sa stage noong graduation niyo?"

"Oo, hindi talaga importante sa akin iyon at hindi ko rin pinangarap."

Natawa ako habang kunot ang noo. "Lahat gustong-gustong makasampa sa stage para kunin ang diploma nila!"

"I didn't really imagine something like that, wala namang pupunta sa parents ko. Wala ring saysay para sa akin, mas malulungkot lang ako." Natatawang aniya.

Epicenter Tape #2: Point in TimeWhere stories live. Discover now