#PIT38

50.1K 2.5K 826
                                    

#PIT38

"Will you be alright? Wala pa yatang supplies diyan? Magpapa-deliver na lang muna? O lalabas ka?" Emil asked. I could hear other members of The Sealed on the background, nagtatawanan at nag-uusap tungkol sa kanilang mga pictures.

"Ang pangit ni Gio, puta!"

"Ako? Mukha ka ngang nata-tae, oh!"

"Ingay niyo!" saway ni Emil sa kanila.

"Sana um-attend ka ng prayer meeting para tahimik!" Ran spat back.

Emil cleared his throat, suppressing his laughter.

I sighed quietly. "I'll be alright, dito muna siguro ako sa bahay para samahan siya at baka magpa-deliver na lang ako mamaya para sa pagkain—"

"You don't need to do that, Mavis..." putol ni Mommy sa akin na kabababa lang mula sa hagdanan; she's wearing a pair of pajamas and she looks pale. "I can handle myself here. Babalik naman ako sa trabaho kaya next week, aalis din ako."

Kumunot ang noo ko. "Then, I'll stay while you're here."

Puwede naman ako rito para samahan muna siya, dadaanan ko na lang sa condo bukas iyong mga gamit ko sa school bago pumasok. Tanghali naman ang klase ko at dalawang subject lang bukas.

"Hindi ako alagain kung iyan ang iniisip mo, nag-aaral ka and we already let you move into your condo. Doon ka na lang, hindi mo kailangan ipilit na samahan ako rito dahil alam kong ayaw mo akong kasama lalo pa't wala ang Daddy mo."

My chest tightened.

I didn't react but deep inside, I feel irritated and surprised at the same time. Alam niya pala iyon, mabuti naman. I nodded to agree on what she wants for now, ayaw kong makipagtalo pa dahil halu-halo ang nararamdaman ko. Naroon ang awa, pagsisisi at kalungkutan.

Napakurap-kurap siya at umiwas ng tingin.

"B-Bumisita ka na lang kung kailan mo gusto."

Tumingin lang ako sa kanya.

"Are you really gonna do that? She might hurt herself again," Emil said on the line.

I sighed heavily when Mommy walked into the dining area. It's still bothering how she seems so lifeless and I can't help but think bad about her mood. Sasagot pa lang sana ako kay Emil ay may tumawag na sa pangalan niya na batid kong staff.

"Next set! EJ and Gio!"

"Will call you again after the shoot."

"Okay..."

"Diyan ka muna, kausapin mo muna si Tita," aniya bago binaba ang tawag.

Napahugot ako ng malalim na hininga.

I couldn't forgive Daddy after Mommy harmed herself a week ago, panay ang tawag niya sa akin kahit pa noong nasa ospital si Mommy at nagpapagaling hanggang sa makauwi na sa bahay kaninang umaga. I never answered his call again, I just feel like he doesn't deserve to know anything about Mom anymore because he was the main reason why it happened.

Somehow, I hoped... that he was gonna explain in person but he didn't show up.

Sa totoo lang, hindi pa rin naman nawawala ang tampo ko sa kanilang dalawa dahil sa mga desisyon nila para sa akin na hindi ako kailanman tinanong kung gusto ko ba.

Pero gusto kong protektahan ang mental health ni Mommy pagtapos noong ginawa niya sa sarili niya. I don't want to lose her even how many times she made me feel bad for the past years. Ganoon din si Daddy, kahit kailan ay hindi naman ako umabot sa panalangin na mawala sila habang-buhay kahit masama ang loob ko sa kanila at hindi ako nakatanggap ng pang-aalu.

Epicenter Tape #2: Point in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon