#PIT46

58K 2.6K 1.7K
                                        

#PIT46

I was surprised at the last message I received; I didn't think of anyone but only him. Wala namang ibang magsasabi at tumatawag sa akin ng ganoon kundi siya.

I didn't know what to reply so I just ignored it even when my heart was beating me harshly to reply I also missed him, I'm still hesitant to talk to him after how many months because I am not still alright — not yet but I'll be there sooner, I need to be.

Just wait... in time, I'll get everything back including myself.

"OMG, you're Kiya Bolivar!" one of the hairstylists beamed as I went into their salon.

I timidly smiled. "Good noon."

"Good afternoon! I'm so glad to see you here, Ma'am!" he or she said since her hair's long and very womanly with makeup, I can say that's she's a trans woman. I must label her right. "What can I do for you, Ma'am?"

I smiled a bit again. "I want shorter hair, po."

"Okay! Pero puwede po bang magpa-picture muna? Before and after sana!" humagikgik siya. "Idol na idol ka ng pamangkin kong babae at lalaki, taga Davidson High sila pero ikaw iyong inaabangan sa UL!"

I chuckled and nodded. "Sige, po. Paki-kumusta na lang ako sa kanila."

Ginala ko ang tingin sa maliit na salon, bagong salon lang ito kaya hindi ma-tao at kaya rito ko rin napili. Masyadong crowded iyong ibang salon na malapit sa condo at University circle, ayaw ko sa ganoon magpagupit ng buhok. Maghihintay pa ako at mahal maningil dahil kilalang mga salon, magpapabawas lang naman ako ng buhok.

Tatlo lang silang narito sa loob, dalawang hairstylist at isang cashier in charge kaya mas kumportable para sa akin.

"Sorry, Ma'am! Ang daldal ko na yata, share ko lang! Hindi ko rin kasi in-expect na rito ka sa salon makikita at magpapagupit ng buhok!"

Lumapit siya sa akin at tinapat ang camera ng kanyang cellphone sa aming dalawa, nag-peace sign siya habang ako'y ngumiti lamang.

"Salamat, po! Tara na, Ma'am! Upo po kayo rito," aniya at inayos iyong hydraulic chair habang pinapagpag ang barbers cape.

Umupo ako, kaharap ang malaking salamin saka niya nilagay sa akin iyong tela.

"Gaano ka-short po ba, Ma'am? Hanggang balikat?" tanong niya at tuluyang niladlad ang buhok kong makapal at mahaba.

Hanggang itaas ng baywang ko ang haba ng buhok ko at madalas ko lang bina-bun kapag naglalaro dahil sagabal, hindi rin ako naglulugay ng buhok kaya walang sense na pinahaba ko pa — hindi ko rin naman naaalagaan.

"Hala! Ang ganda at ang lusog ng buhok mo! Sayang kung iiklian masyado? Gusto niyo bang bawasan na lang natin iyong split ends para magaan sa pakiramdam?"

"Ah, gusto kong boy cut."

"Huh?!" gulantang niyang sambit. "Sigurado ka ba, Ma'am? Sayang naman, Ma'am!"

Tumango ako at nilabas iyong cellphone ko na paggagayahan ng gusto kong gupit.

"Sigurado na ako, ganito sana."

Tiningnan niya iyong litrato at suminghap.

"Pang lalaki nga talaga 'yan, Ma'am! Faded pa! My God, baka magtampo ang buhok mo! Pinag-isipan mo po ba mabuti iyan?"

Natatawa ako sa tono niyang nanghihinayang agad.

"Ayos lang, hahaba pa naman ulit. Malapit na kasi ang UL at sagabal ang mahabang buhok kapag naglalaro."

She nodded sadly. "Okay, po! Kung ganoon umpisahan ko na po, itatali ko na lang iyong buhok mo para maibigay sayo pagtapos."

I nodded and straightened up. I never cared about my hair, though. Matagal ko nang gustong magpagupit pero ayaw ni Loti noon hanggang sa makalimutan ko na. I was always putting my hair up in a ponytail or bun so I could barely notice.

Epicenter Tape #2: Point in TimeWhere stories live. Discover now