#PIT10

42.7K 2.4K 1.2K
                                    

#PIT10

I spent some hour of the past days at their hideout since that day, hindi naman ako mag-isang pumupunta roon pero tuwing nakikita ako nila Ajax o Tanner ay niyayaya nila ako para magpalipas ng oras at tuwang-tuwa ako kapag nagkakantahan sila. I guess, it's their nature every day. They always practice, they play with the music—they're having fun together. Iyon ang napansin ko, they don't look struggling at all even when they're already walking to their dream path.

Loti:

Uy, si Warner ayaw mo? Heard from Barbara, he has a crush on you.

I rolled my eyes sluggishly.

Ako:

Puwede naman pero alam mong hindi ko yayayain 'yon.

Actually, Barbara gave my number to him. He texted hi with his name yesterday and I replied a simple question mark, he didn't text again.

Loti:

Barbara can invite him, I'm sure he'll never reject that chance!

Ako:

Fine, I'll text him when I get home.

Puwede na siguro si Warner, wala namang masamang yayain siya. Sabi ni Barbara, crush daw ako noon kaya mas okay na iyon, 'di ba?

Loti:

Great! I can't wait to see you in a gown! Nai-imagine ko, ang ganda mo siguro! Basta, don't wear a hot pink! Hahaha joke, I know you'll look good in everything! Sana all!

Loti:

Another revelation, natapos ko na 'yong script ko para ready ako sa speech for you! Sabi ni Barbara, matatapos na rin 'yong kanya!

Nangisi ako at tinabi na ang cellphone. I told Mommy about the colors I only want, iyong mga babagay sa kulay ko. Ayaw kong magmukhang tanga. Nalista ko na rin iyong pangalan nila Barbara, Maui at Loti para sa ilalagay sa eighteen candles tapos sila na ang bahala sa iba.

Pero mas pino-problema ko iyong sa college, kailangan ko nang maisip ang gusto ko kaysa roon sa party.

"Just have fun and you'll eventually learn to go with the flow!" Ajax said.

Humikab ako at kinaway ang palad sa kanya.

"Ilang beses ko na 'yan narinig, wala namang epekto. Wala pa rin akong maisip sa college!"

"Mag-bote ka na lang, Haw!"

"Maybe!" I sarcastically smiled and stretched my arms up while roaming my eyes.

Eris was busy talking to his girlfriend on the window side, palagi siyang abala sa cellphone. Si Tanner ay nagto-tono ng gitara habang nakatingin sa papel sa lamesita, Hesperus was playing on his cellphone while lying on the carpet and Kees is guiding Tanner—may mga pinupunto siya sa papel habang si Ajax ay panay daldal habang naka-indian sit sa sahig. He has an electric violin on his lap, he's quietly playing the—I don't know what they call it, stick or what that makes a soft timbre.

Tiningnan ko iyon habang gumagawa siya ng tunog.

"We should practice with this!" ani Ajax na walang pumansin kaya suminghap siya. "Sige, Chandler! Si Ajax lang naman 'to! Wala 'yon!"

Si Kees lang iyong sumulyap sa kanya pero bumaling ulit sa tinuturo niya kay Tanner, they looked seriously taking it.

Nakapagsulat na ba ulit si Tanner? Iyon ba ang inaaral nila?

I laughed as I turned to Ajax. "I didn't know you were playing that, too."

Pinansin ko na, kawawa naman at baka mapanis si Ajax. Abala kasi ang mga ka-banda niya, si Hesper mukhang tinatamad naman ngayon kaya hindi rin pinansin.

Epicenter Tape #2: Point in TimeWhere stories live. Discover now