W.E 37

10 1 0
                                    

Warm Embrace

Villain


It was so exhausting day for me. I rarely talk, i was traumatized of what happen to us. I have so many regrets, I can't sleep properly. I was consumed by my own thoughts.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Agad na tanong ko kay Sciana. Nasa hospital bed pa rin s'ya hanggang ngayon, hindi naging maayos ang lagay niya.

Ako ang nagpasya na magbantay sa kanya, wala naman akong naka schedule na iba kaya itinuon ko lahat ang oras ko sa kanya. Kinakain kasi ako ng guilt sa nangyari sa kanya.

"I'm not fine? I don't know, I'm not feeling well emotionally." She was so devastated ever since she woke up. She cried and shout about her baby.

I can't ask about Aki, I couldn't. It will worsen her state, she will cry more, she will remember him. Our friends visited her for days. Dadalaw at magdadala ng damit, minsan lang din dito ang magulang n'ya kaya sa akin naihabilin.

"Ako na muna rito." Si Fay iyon kasama namin ngayon, wala daw s'yang klase at gusto ng makita si Sciana. Siya ang nagpapatahan kay Sciana.

Noong nalaman din nila ang nangyari ay sumugod sila dito. Noong panahong kagigising lang ni Sciana ay nalaman din nila kung bakit ganoon nalang ang cravings n'ya noong nagdaang buwan.

Hindi ko alam kung... paano ako makakaharap kay Sciana nang hindi nahihirapan. Ako ang may kasalanan, ako ang may gawa, ako ang nagkamali.

Wala na ang bata... Nakunan siya... Iyon ang sinabi ng doctor niya noong dumalaw ako pag ka labas ko palang sa kwarto ko. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Sobrang bigat, iyak ako ng iyak, sising sisi ako sa nangyari.

Nalayo ang isip ko, hindi pa kami nag uusap ni Kleau ulit. Noong nagpabalik balik s'ya sa kwarto ko ay hindi ako namulat, o kaya naman ay tulog talaga ako. Naririnig ko ang salita n'ya pero hindi ko naman sinasagot dahil sa hindi ko alam kung paano ko ito haharapin.

Hindi ko alam kung paano ko ipaiintindi sa kanya, hindi ko alam kung paano ko sasabihin lahat dahil alam ko... alam kong mali ako. I don't know if Mommy updated him about me, even if she did, where is he?

Sobrang bigat ng pakiramdam ko at parang gusto ko na namang umiyak. Gusto ko matapos na lahat, hiyang hiya ako harapin ang lahat. Pakiramdam ko nagsabay sabay.

Iyong pagod ko, restless nights, kawalan ng connection sa kanya, overtime, pag aaral ko. At ngayong aksidente na nangyari... So this is the consequences of not reaching out to him, by telling him my problems? Ito ba 'yon? Kung nag sasabi siguro ako... hindi ganitong kabigat, hindi ganitong walang wala ako at hindi na mahanap ang sarili.

From: Kleau

Are you okay? Can we meet? I missedyou so much.

It was a message from him now. Napa buntong-hininga ako at tumunghay para pigilan ang nagbabadyang luha na naman. I can't runaway from reality all the time, hihigitin at hihigitin ako pabalik sa naumpisahan ko.


To: Kleau

Yes, Sure. When? Where?

I was so damn cold for being a shit. Nakokonsensya ako, busy ako hindi ko siya ma prioritize, he communicate to me well at hindi ko mabago ang sarili ko. Ganoon pa rin, hindi ko pa rin kaya.

From: Kleau

Today? You free? I'll fetch you.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Pag mulat ko ay nakatingin na sa akin ang dalawa. Hindi ko pa alam ang mukhang ihaharap ko sa kanya, I'm the one to blame.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now