W.E 41

10 0 0
                                    

Warm Embrace

Pamilya


"I don't want to."

Iyon ang huli kong sinabi ng ayain n'ya akong muli ng dinner. Kahit wala naman sakin ang seryosohin s'ya pero ganon nalang siya mabilis matukso sa iba. Katawan ko lang ang gusto noon.

Ramdam ko ang pag ka-dismaya n'ya dahil kahit mga rosas o kahit anong ihain n'ya sa akin ay automatic na tumatanggi ako. Ayoko ng kahit anong koneksyon sa kanya, okay nalang na magkakilala kami at tanging magkatrabaho.

Biglang nag ring ang aking cellphone kaya naman naka alis ako sa kanyang harapan. Si Krianne ang tumawag sa akin.

[Lets hangout!] Iyon agad ang ibinungad n'ya sa akin.

Napasapo ako sa aking noo at huminga ng malalim. Hindi ko ito matanggihan dahil ang tagal na noong huling aya n'ya. Ngayon lang din siguro s'ya free.

Well, her life is on the spotlight. This girl comes from a child actress to a Hollywood Superstar. Dito lang naman sana sa bansa pero nakakatanggap na rin ng offer simula noong may naganap na offer.

"Yeah, sure! What time, babe?"

[8 pm, sa usual. The club is exclusive for the time being. And i just invite some of my friends.] Pabiro akong napairap ako sa sinabi n'ya.

"What a scam." Natatawa kong banggit perosa huli ay pumayag na rin. Kaya ko naman siguro day off ko na naman.

Nang mamatay ang tawag ay agad na nag ring ulit ang aking phone. It was Mommy this time.

[Dear, are you free today?]

"Yes, Mom. Why po?"

[Can we have a dinner at 8 pm, i'll send you the loc.] Bahagyang nagparte ang labi ko dahil sa nabanggit n'ya.

Bakit ba palaging nagsasabay ang aya ni Mommy at ni Krianne? Oh my Gosh.

"Sure, Mom."

Makakahabol pa naman ako sa club ni Kri for sure, hindi naman siguro aabutin ng syam-syam itong dinner na sinasabi ni Mommy, besides ngayon lang ulit n'ya ako naaya.

To: Krianne

Susunod ako, my mom invite me for a dinner. Hindi naman siguro magtatagal.

Evening.

My mom really sent me the location, bago sa paningin ko kaya naman ganoon nalang ako kung sundin ang direksyon. Baka bahay ng kaibigan n'ya? Or venue? Since mukang mansyon iyong bahay na iyon.

I just wore a simple yet elegant dress. I put the necklace that Kleau gave me, it matched my dress really well so... Saka akin na naman ito, wala naman sigurong mali kung isusuot ko kahit wala na kami diba? My thin curtain bangs really blend well with my hair.

"Mom." Tawag ko ng makalapit ako.

"Nice to see you again, love." She kissed my cheeks and patted my head. "How's work?"

I smiled. "It was good, Mom. Still hectic but i can manage my time more."

"That's good. Your Kuya's here as well." Habang sinasabi iyon ay iginaya n'ya ako sa table.

Bahay nga iyon, isang table na malaki, napaka elegante ng bahay, may chandelier na malaki sa gitna at pakiramdam ko ay nasa kastilyo ako. White, cream, khaki ang loob ng kulay ng bahay kaya naman ganoon nalang kaganda lalo iyon sa paningin ko.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum