W.E 07

14 2 1
                                    

Warm Embrace 07

Bond

To: Alliana

Papunta akong cafeteria, sa usual natin.

I immediately recieve her reply, i chuckle while reading it.

From: Alliana

tanginang yan, lagot ka kay Miss Panty HAHAHAHAHA Bakit daw absent ka gago HAHAHAHAHAHA.

I shrugged and start to walk towards Cafeteria.

"Oh tangina, ang babaeng landi muna bago pag-aaral." Nginiwian ko si Alli dahil wala ng magandang lumabas sa bibig niya puro kahayupan. "Sumbong kita kay Tita e." Pagbabanta pa nito.

"Alam mo? Nakakahiya ka, may suot ka pang Krus na kwintas tas mura ka ng murang dyablo ka." Umupo ako tsaka sila tinignan. "Masunog ka sana." I make face.

"Parang walang nangyari, ah?! Bakit naman kasi late."  Tawang saad ni Krianne sakin, ngumuso lang ako bago sumagot.

"Tinanghali ako nang gising." Pagdadahilan ko, well in fact totoo naman, iyon naman talaga.

"Hoy Hyera, sinong kasama mo kagabi?! Ikaw ah, si Kleau ba iyon? Tama ba?" Salubong ang kilay ni Sciana.

"Baka naman hindi ako iyon at namamalik mata kalang," Muling dahilan ko pero sa loob loob ko ay napapamura ako dahil akala ko ba ay wala na sila sa party dahil hindi sila makita ni Kleau, kahit sobrang wasted ni Sciana nakuha pa kong mamukaan.

"Hindi e! Ikaw talaga 'yon!" Nakangiwing sabi niya pa, ipinipilit.

"Ano? Hindi ba dry ang iyong tahong?!" Tanong agad ni Sciana at nagtawanan sila habang ako ay salubong ang kilay dahil sa narinig kong term niyang roon.

"A-Anong dry?!—Ano kamo?! Tahong?!" Lalong tumawa ang mga kaibigan ko habang si Sciana ay tumakbo palayo nang makita ang itsura ko.

"Ikaw naman kasi Hyera, you're so defensive kasi," natawa paring sabi ni Krianne habang si Alli naman ay hinahampas hampas pa si Fay dahil sa tawa.

"Tang inang 'yan baka naman kase kayo 'yon? Hoy babaita," Nilingon ko si Fay. "Sino 'yung lalaking humila sa 'yo kagabi?! Wala kang pasabi, ah?!" Pag aakusa ko kay Fay at siya naman ay nag iwas ng tingin nang mapansin niyang nakatingin kaming lahat sa kanya.

"Ikaw ah, tanda ko 'yon, sabi mo pa may lindol tapos may lalaking kumuha sa 'yo!" Sciana gaze at Fayzien who's now pretending she can't hear us. We asked her with a full of curiosity, mapang-akusa kaming napatingin sa kanya.

"Wala lang kami noon." Kibit balikat niyang sabi kaya natawa ako.

Nagkatingnan kami lahat saka tumawa, wala daw.

"Hindi daw pero bakod na bakod ka nung lalaki, kita ko 'yon! Kaya walang nalapit sa 'yo dahil doon." Krianne laugh making me laugh as well, hindi ako natatawa sa sinabi niya kung hindi sa tawa n'ya.

"Sciana, ke bata bata may boyfriend." Sabi ni Alli saka tinignan si Sciana na umismid at naka halukipkip.

"Mga minor nga naman, minor moments." Natawa kong sabi saka nakipag apir kay Alli, dahil sa grupo dalawa lang kaming legal age na, Next year pa ang debut nila.

"Alam n'yo? Akala niyo naman kung sino kayong hindi nalandi! Pwe!" si Sciana at dinuro duro niya kami isa isa kaya lalong kaming natawa.

"Let's go now, it's already time to go back." Krianne said before preparing her things.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz