W.E 46

10 1 0
                                    

Warm Embrace


Ring


"I will introduce you to my family again on our last day. There would be an event where all of us will gather at the end."

Sambit ko ng tignan ko s'ya. Nandito kami sa labas, nakaupo. Naka bikini na ako at s'ya naman ay topless, nagbabalak kasi akong lumusong kaya ang sabi n'ya siya rin daw.

"Is it okay with you?" Tinignan ko ng mariin ang ekspresyon n'ya. Kumikinang ang mata nito at mabilis na tumango tango.

"I would like to." Nakangiti n'yang sambit kaya nahawa rin ako ng ngiti.

Kaso hindi pa nagtatagal ay inakbayan ako ni Cali mula sa likod. "Saya natin ah? Kayo na ulit?"

Casual na tanong nito. Tinapunan ko s'ya ng masamang tingin. Tignan mo itong hayop na ito, akala mo wala sa harap ang tinutukoy.

Kasunod nito si West na topless, si Kuya Callen din ay kasama, Anastasia at Fawn. Si Esa ay naroon kila Kuya Sparrow.

"Uy lods, musta? Ayos na kayo?" Casual na baling n'ya kay Kleau na akala mo'y ka-close.

Sumulyap ng tingin si Kleau sa akin at hindi alam kung anong sasabihin. Bumalik ang tingin n'ya sa nakaakbay sakin at marahang tumango.

"Yeah? I'm earning her trust again." He told her. Ito namang bruhildang ito ay tumingin sa akin ng nagugulat.

"Shuta ka mhie, anong trust ang sinasabi ng gwapong ito? Trust na condom ba iyan?" Pasmadong bibig n'ya.

"Dirty." Si Fawn na sumagot noon, gamit ang mataray na boses naka angat din ang kilay at may hawak na mango juice sa kamay.

Umiling iling si Kuya Callen at West, Anastasia just laughed. Napalunok naman si Kleau ng pasadahan ko ito ng tingin. Nakasalubong n'ya ang mata ni Kuya Callen kaya naman nagtanguan sila.

"I'm so sorry for her behalf, Kleau." Si Kuya Callen. Huh? Mag kakilala sila?

"Huh? For what? Kuya ha!" Hinampas ni Cali si Kuya Callen sa balikat.

"It's fine." Ani Kleau. Kinuha n'ya ang inumin n'yang beer in can sa table na katabi ng inuupuan namin at tinitigan ako.

Napalunok naman ako. Hindi na sila masyadong nanguli sa amin dahil hinila na sila ni Kuya Callen.

"Let them have a quality time, you spoiled." Rinig ko pang banggit nito pag hila kay Cali. Sinundan ko sila ng tingin.

Ngumiti sa akin si Anastasia, si Fawn ay itinaas lang ang baso na may mango juice sa akin para sumenyas na paalis na. Si West naman ay tinapik kanina sa balikat si Kleau.

"How did you know Kuya Callen?" I asks, wala akong clue. Madalang kami magkasama dati kaya si Kuya Hyori ang palagi kong kasama. Hindi rin naman kami masyadong nagkakaayaan noong tumungtong kami ng College.

"Business. S'ya ang may handle ng malaking kumpanya n'yo ng Stacey." Banggit n'ya. Speaking of, I didn't know that.

"Business? Engineer ka hindi ba? Huh? Nagkamali ba 'ko?" Natanong ko sa sarili ko.


"I'm also a business man, Hyera. I'm the current CEO of the company." Hindi ko alam kung magugulat pa ba ako roon, si Klea... kaya ba n'ya nasabi iyon para tulungan ang Kuya n'ya?

"Oh... Okay." Ngumiti nalang ako, inabot n'ya sa akin iyong chips kaya kumuha ako. Isinandal ko ang sarili sa upuan at naka harap sa dagat.

"I'll take a picture of you later." Ngumiti s'ya.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now