W.E 45

15 0 0
                                    

Warm Embrace

Rainbow


Tinitigan ko ito, ganoon pa rin kalapit ang mukha namin, s'ya nakatingin sa mata ko, ako naman ay sa ilong n'yang halos kadikit na ng akin.

Come to think of it Hyera. He's a well-known Engineer world wide, hindi lang dito sa pilipinas. Kung tutuusin ay pwedeng s'ya naman talaga ang kunin ko. S'ya ang propesyonal, ako ang hindi.

I've known him for years, hindi n'ya ugaling maging tuso gaya ng sinasabi n'ya but i also think that kulang pa ang pag sasama namin dati para makita ko ang ganoong side n'ya. Gustuhin ko mang ngumuso ay pinipigilan ko ang sarili ko, baka maghalikan kami rito at makita kami ng mga pinsan ko.

Wow, tunog teenager?

Natulak ko s'ya para bumitaw at tumikhim. Umayos s'ya ng postura at tinitigan ako.

"I won't allow other Engineers to work for you. Ako ang kukuhanin mo, Hyera. Haharangin ko lahat ng mangangahas." He said it in a relaxed way like he did not give me a notice beforehand.

Kung hindi ko tatanggapin, haharangin n'ya. Paano ako makakapag pagawa ng sarili kong ospital kung ang hayop na ito ay haharangin?! S'ya nga kasi ang gusto n'ya, Hyera.


Hindi ko alam kung kita na ba sa mukha ko ang frustration, napapikit ako at kinakalma ang sarili. Hindi dapat ako ma frustrate. Pumayag ka nalang, magaling naman iyan. Hindi naman n'yan sisirain ang pangarap mo.


Hindi ko alam kung ilang pang ga-gaslight pa ang ginagawa ko bago ako magmulat ulit. Hindi naman nabago ang ekspresyon n'ya kahit ang postura. He waited patiently for me to speak to him again.

"Sige na. Payag na ko." Halos ibulong ko iyon at umiwas ng tingin.

"Come again?" Tignan mo ang bingi na ito.

"Payag na ko." Ulit ko.

"Sorry? Louder please." Masama ko s'yang tinignan, hindi nang aasar ang mukha pero hindi nakatakas ang maliit na ngiti sa labi.

"Puta ka, sabi ko payag na kong maging kliyente mo!" I shouted. He truly knows how to put a fuel to my fire. He grin broadly as his eyes lit up with a entertainment.

"No cursing please." Malambing n'yang sabi kaya lalong nagsalubong ang kilay ko.

"Bibingi bingi ka kasi, kingina! Ang lapit mo oh! Ilang years ka bang hindi nanghinuli ng tutule mo bwisit ka." Hindi na napigilan ang pagsiklab. Tinitignan ko palang ang nakangiti n'yang mukha ay nakulo agad dugo ko.

"Calm down, Hyera. You can talk to me in a calm way, you know." Ang munting pag nguso n'ya ay nakagat ko ang labi. Kinginang mukha 'yan. Dinadaan ako sa paganyan ganyan!

"Kailan ang balik mo sa Manila?" He asks. Umupo na rin katabi ko, hindi gaya kaninang naka squat lang sa gilid ko.

"Siguro four to five days ako rito, ikaw ba?" Balik tanong ko.

"Siguro four to five days din." My brows furrowed as i watch his expression. Seryoso rin ito at talagang sinasabayan ang mukha ko.

"What? Client." He play innocent. Tumango tango ako, baka masyado lang akong nagiging assumera, napaka feelingera mo naman ata, Hyera.

Nagising ako sa sinag ng araw, naka air con ang buong kwarto kaya naman ganoon ko nalang kagustong magtalukbong. Inayos ko lang ang sarili at napag desisyonan na bumaba.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now