W.E 42

9 0 0
                                    

Warm Embrace

Babae ko


Hindi na ako nakahabol sa aya ni Krianne. I was left dumbfounded, that was our first interaction over years. Dapat na ba akong mag assume na kaya kami nag dinner ay para malaman kung may boyfriend ba ako? Or kaya mag assume nalang ako na kaya n'ya tinanong dahil gusto n'ya pa ako?

Oh God, that was a worst thing to assume! Ang kapal din talaga ng muka ko para mag assume pa ano? At saka may kinikita yan na babae ngayon, remember? Echusera ka, Hye.

Nasa trabaho na ako ulit at binalikan ko si Nanay na dati ko nang pasyente. May sakit ito na Alzheimer, hindi mahanap ang totoong kamag anak dahil hindi na nga maalala pero ako ang nag insist ipasok ito rito. Ako ang nasalo ng expenses, mukhang hindi naman ito mahirap dahil noong nakita ko iyon ay maganda pa ang suot at mamahalin, iyon nga lang mukang naligaw.

Nag post na ang ospital na ito tungkol dito at hindi ko naman namamataan kung may nakakilala ba na kamag anak at hindi pa ito napupuntahan.

Ni pangalan nang pasyente ay hindi ko alam kaya naman ganon nalang ang pag aalala ko sa kanya, tulala rin s'ya at malamang hindi ako kilala.

"Nay, kumusta na po kayo?" Iyon ang bungad ko sa kanya pagpasok ko sa kanyang kwarto.

May dala akong prutas at bulaklak, ako naman ang nagbabayad at walang nagpumilit. Tumingin sa akin si Nanay, maganda ang mukha nito kahit may katandaan na, siguro nasa 70 o 75 na siguro ito.

Ngumiti ako sa kanya. "Nagdala ako ng prutas at inumin mo, nay."

Naglakad ako papunta sa kanyang tabi, sinusundan n'ya lang ang aking ginawa at saka tumingin ulit sa malayo. Hindi s'ya masyadong pala-salita siguro dahil na rin sa mabilis na s'yang makalimot. 

Inayos ko ng kaunti ang gamit na nasa side table n'ya at lalabas na sana, nakahawak na ako sa door knob pero may nagtulak noon mula sa labas. To my shock, nauntog ako pagka bukas palang kaya napaatras ako at napahawak sa aking noo.

"What are you doing here?" Isang baritonong boses ang bumungad sa akin sa pintuang iyon. Kung nagulat na ako sa pag hila, may mas ikagugulat pa pala ako sa kaharap ko.

Bakit nandito ito?

"Kleau." Pakiramdam ko ay nagtaasan ang dugo sa aking mukha dahil tila nanumbalik sa akin ang iniisip sa kanya kanina, at sa nangyari noong gabi.

Hindi siya sumagot, iniwan niya ako sa harap ng pinto at nilagpasan. Nakuha niya pang isara ang pintuan kaya naman sinundan ko s'ya ng tingin.

"Grand Ma." He muttered.

Nang maka balik ay napasinghap ako, Lola n'ya? Hindi ko alam kung mauuna ba ang gulat at ang pagtataka sa akin o sadyang hindi ako makapaniwala.

Nang makabawi ay lumapit ako sa kanila, nakita ko pa ang dala n'yang prutas at bulaklak. Ang pamilyar na bulaklak ay nakita ko.

Ahh... kaya pala may ganoon dito noon at napaltan ang inilagay ko. S'ya pala? Teka... ibig sabihin alam n'ya na? Edi matagal na?

Naalala ko pa noong nakaraan ay naligaw s'ya at napagkamalang office ko ang office ng kabilang doctor, iyon ba iyon? Ibig sabihin... kaya s'ya nasa ospital noon ay dahil nakita n'ya siguro ang post? O kaya naman ay ipinahanap n'ya ito.

Nang tignan ko sila ay nakatitig lamang ang matandang babae sa ginagawa ni Kleau habang si Kleau naman ay inaayos ang mga bitbit n'ya.

"Kailan mo pa nalaman? Noong nagkamali ka ba ng pasok sa opisina ko?" My one eyebrow arched as I concluded.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now