W.E 04

15 3 1
                                    

Warm Embrace

Get In


Napag desisyonan kong mag gym, pakiramdam ko ay nananaba ako dahil sa kain ako nang kain at walang exercise. Maaga akong nagising dahil napa aga ang tulog ko at wala naman akong kausap o kachat manlang, what a sad life, self. Sad life.


Maganda ang naging work out ko, kahit ako lang. Para namang may mas ingaganda pa 'yan pag may kasama kang tanga ka. Naglinis din ako ng unit dahil mukhang hindi na naman tao ang nakatira. Nang matapos ay napagdesisyonan ko na namang maligo, ang lagkit ko na dahil pag ka uwi galing gym ay diretso linis na ako.

Mabilis akong natapos maligo kaya nagkaron ako ng oras para i swatch ang ipinamili ko noong nakaraang araw, nang kuhanin ko ang paperbag nalaglag ang isang panyo.

Panyo ni Kleau, napangiti ako agad nang maalala ko ang sinabi nya, germs... parang bata.

Napailing nalang ako habang nakangiti pa rin, bukod sa aking pag de-daydream nilagyan ko ng liptint ang aking labi at ngumuso ng bahagya, ang ganda ng kulay sa labi ko.

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag ring iyon. Nang makita ko kung sinong caller ay kunot noo kong sinagot ito.

"Oh," Malamyang sagot ko.

[Hoy gago! magkita tayo ngayon! May ichi-chika ka sakin!] Nailayo ko nang bahagya sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa lakas at tinid ng boses ni Alli.

"Me? wala ngang ka excite excite ang buhay ko, anong ichichika ko? Baka ikaw?" Matabang kong sabi saka umismid, bukod kay Kleau na hindi ko alam ang balita, wala nang exciting sa buhay ko.

[Ako den may chika! kaya maligo kana, sa tambayan tayong dalawa! ] She said.


"Anong oras ba?" Tanong ko habang tinitignan pa ang itsura ko sa salamin.


[Now na, i'm here na,] My eyes widened while the other line was laughing the hell out of her butt. Mabilis ang kilos ko habang nagmamadaling kumuha ng mga kailangan kong dalhin.

"Seryoso kang bobita ka? Bakit ngayon kalang tumawag? Naiinip ka na d'yan siguro!"

[I'm with someone right now, no need to rush, bilisan mo na nga!] Agad n'yang pinatay ang tawag dahil doon, taka akong tinignan ang cellphone ko saka napa isip.

No need to rush tapos bilisan ko na nga? Tanga ba 'to?


Minadali ko ang kilos ko at saka lumabas ng condo. Sana ay maabutan ko ang someone na sinasabi n'ya. May boyfriend na ba s'ya? Ang babae'ng yon hindi manlang nagsasabi sa akin!


Maingat akong nagmaneho papunta roon sa tambayan namin kahit gaano ako ka curious kung sinong kasama niya.


Feeling ko boyfriend n'ya 'yon, eh!


Nang makababa ako, may lumabas na lalaki galing coffee shop, likod lang ang kita. Mula dito kita kong sinundan s'ya ng tingin ni Alli nakangiti pa.

Naglakad ako papunta sa pwesto n'ya, itinaas ang kamay at hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi. S'ya siguro ung kasama nung lalaki kanina.


"Ano? Ganyan ka makatingin," Her smile changed and look me with her confuse eyes.


"Sino 'yon?"


"A friend, Hye!" Ani nya saka ngumiti uli, duda kong friends lang.


"Friend daw pero wagas kung makangiti." I gave her a suspicious look, natatawang inirapan niya ko.


Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now