W.E 19

13 2 0
                                    

Warm Embrace

Frustration


Bagsak kaming lahat pag kauwi, buhat na ni Aki si Sciana at antok na rin sa pagod ang iba kong kaibigan. Sa condo ako ni Kleau ngayon, nagtatanggal ng sandals.


"Palit ka ng damit." Inabutan niya ako ng damit na puti, dahil malaki siyang tao malaki maluwang sakin ang damit.

Kinuha ko ang damit at sinuot iyon sa cr, nag ayos ako ng itsura bago lumabas.

"Bakit ka nandyan?" Tanong ko nang makita ko siya sa dulo ng higaan at ayaw ako lapitan. Natawa naman ako sa ginawa niya. Akala mo naman may nakakahawa akong sakit!

Humiga ako sa kama niya at pumaharap sa kanya, nakahiga ang ulo ko sa sarili kong braso at tinitigan siya, natatawa ako sa reaksyon niya nang hawakan ko ang braso niya para mahiga katabi ko.

"Sleep now, Hye." Bulong niya sa akin, tumango ako at kinuha ang isang braso niya para iyon ang higaan ng ulo ko, ang kamay niya ay nakatakip sa mata niya.

Ilang sandali pa ay naramdam ko ang kamay niya sa buhok ko, marahang hinahaplos, mas mabilis akong nakatulog dahil doon.

Gumising ako nang wala na si Kleau sa tabi ko, iniharang ko ang kamay ko sa mukha para hindi masinagan ng araw, napa upo ako sa higaan at tinignan ang paligid, inaantok pa 'ko. Mabilis ring nagising ang diwa ko nang may maamoy akong mabango.

Dumiretso ako sa cr ng kwarto niya. Nag hilamos ako at nag mumog bago lumabas ng kwarto. Bumungad sakin si Kleau na nagluluto sa kusina, nang silipin ko sa lamesa ay may bacon, may fried rice rin akong nakita at, fried pork chop din.

"Good morning," sabi niya nang makita akong papalapit sa upuan.

"Good morning!" Umupo ako roon sa upuan na nakaharap sa kanya.

"You're not drunk but still look like one." He pointed out.

"Ang pangit naman ng bungad mo sakin," busangot kong sabi. "Dapat ganito, 'Huy, Hyera ang ganda mo sa umaga' o kaya 'Uy, looking fresh early in the morning."

Natawa ako sa sinabi ko, dapat ganoon din siya! Ka compli-complimented kaya ng mukha ko! Kibit balikat naman siya halatang walang pakeelam sa sinabi ko.

"I'll be busy for a week." His lips thinned as he looked at me. Mabilis akong tumango, wow nag a-update na sya, ah!

"Okay! Basta wag ka pagutom, ha? Paano ka na mag ta-trabaho nan para sa amin ng anak mo? Paano na ako? Wala nang mag iintindi sa amin ng mga anak mo, alagaan mo sarili mo hubby," Mahaba kong sabi habang nakuha ng pagkain sa plato ko.

He confusedly looked at me approaching the seat in front of me.

"Ano? Bakit ganyan ka makatingin? Hindi dapat ganyan, tignan mo 'ko na para bang minamahal mo na ako, ganoon." Nang aasar ang tinig ko.

He tilt his head and close his eyes, "Good God, please let me eat peacefully."

"Hindi nga siya sasagot sa 'yo," Kumain ako ng niluto niya, next time mag rerequest ako ng ulam para matikman ko ulit 'yung luto niya.

"Okay lang maging busy, busy rin ako syempre. Titignan ko schedule ko later pati mga deadlines, ugh!ayoko matambakan! Tapos ang dami na namang re-review-hin syempre, palaging review tapos memorize ganoon." Sumubo ako ng pagkain, tumango lang naman siya.

"Ikaw? Bakit ka magiging busy?" Tanong ko, "Pero okay lang din na wag sagutin, baka mamaya controversial 'yan."

I saw him how he chewed his food slowly after hearing it, the he pursed his lips.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now