W.E 17

14 2 0
                                    

Warm Embrace

Confused


"Isa pa ba o kain muna tayo?"

Iyon agad ang bungad samin ni Krianne, hawak nita ang mapa, tinitignan kung saan may mga stalls.

"Kakain na kami, kayo?" Sabi ko, the look in their faces screams betrayal.

"Tignan mo 'tong hayop na 'to, halatang ginamit lang talaga tayo." Barumbadong sabi ni Alli nang sikuhin niya si Fay.

"Aba baka gusto niyo pang mag ride, e!" Totoo naman! Sila na nga inaalala, ayaw pa.

"User, Hyera." Umismid si Sciana.

"Kain tayo! Hanap tayo food stalls!" Si Sciana ang nangunang tignan ang mapa, matatagalan kami kung hahanapin namin ito ng lakad lang.

"Eto may food court!" Si Sciana ang nagturo, doon kami pumunta. Dahil maraming tao mahaba ang pila.

"What do you want?" Kleau asks looking for the food. Natingin siya sa paligid, iba't ibang mga fast food ang nandito.

"Pizza, bb. Want ko no'n." Tumango tango siya at tinignan ang iba kong kaibigan.

"Anong gusto niyo?" He casually asks, luh, gago anong binabalak nito?! "My treat."

Malalaki ang ngiti nila habang nakatingin sa akin, bakit sa 'kin?!

"Confirm, mas mabait ka kay Hye." Sciana pointed out i just snorted.

"May pera naman kami! Huwag kang magbayad." Agad kong sabi. "Tsaka sinagot ko na entrance nila! May mga pera 'yan!"

"Minsan lang," Pakikipagtalo niya pa.

"Oo nga, anong order niyo?" Tanong rin ni Aki, ready na i-mentally note ang mga order, bumaling siya kay Kleau. "Kleau, hati tayo sa bill."

Napagkasunduan nila iyon, napatampal nalang ako sa noo ko, kanina pa siya nagastos sa akin pati 'yung mga pinamili ko!

"I'll just buy us food." He whispered looking intently at me. Tumango ako.

Kinurot ni Alli ang bewang ko, nakangiti siya sa akin nang balingan ko siya ng tingin."Huwag mong pakawalan yan, ha."

"Kleau is such a nice guy," Krianne said and they agreed.

"Biruin mo 'yon, nakasungkit ang ikalawang matanda sa 'tin." Lumakas ang tawa ng walang iba kung hindi si Sciana!

"Aki is a catch rin! Gentleman pa!" Krianne uttered, Sciana looked at her proudly.

"Sige, time na para manahimik na ulit ako." Si Fay ay walang ka fling fling, hindi interesado sa lalaki.

"Si Aki ang pinaka matanda sa 'tin no? Biruin mo yung Age gap niyo?" Fay teased smirking at Sciana.

"Makarma ka sana tapos mas malaki age gap niyo ng future boyfriend mo kaysa samin ni Aki." Sciana make face.

"Malay mo nga 'no?!" Exaggerated na sabi ni Alli.

"As if naman." Umismid si Fay.

"Hindi ka sure," Nakangisi si Alli nangaasar.

"Swan Lake muna tayo? O gusto niyo sa Jungle Log Jam?" Tanong ni Krianne habang natingin sa mapa nito, sumilip kami roon para tignan ang sinasabi niya.

"Rio Grande kaya? Tingin niyo? Ang init e! Tsaka hindi naman talaga basang basa." Suggest ni Sciana. Napag desisyonan naming Rio Grande muna.

"Hye! Tingin ka rito!" Mabilis akong tumingin sa camera ng ayusin nila muli iyon. Agad akong ngumiti sa camera.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now