W.E 16

4 1 0
                                    

Warm Embrace

Kilig o Nerbyos


From: Kri

We're here na sa lobby niyo, baba na.

Mabilis akong pumunta sa condo ko at kinuha ang mga gamit ko. Dumiretso ako sa taas, kay Kleau.

"Kleauuu! Baby ko, mahal ko, cupcake sugar honeybunch sugar plump ko!" Sigaw ko pag pasok sa condo niya, pansin ko na isang damit lang ang dala niya, wallet, cellphone, maliit na towel and handkerchief.

"What?" Taas kilay niyang sagot, binuhat muli ang mga dala pinamili ko.

"Iyan lang ang dala mo? Akina! Ilalagay ko sa bag ko." Kinuha ko sa kanya ang cellphone at pitaka, hindi ko sisilipin iyan 'no! Pero nakaka curious malay mo may high school at senior high school na ID. Kinuha ko rin ang damit at towel saka inilagay sa maliit kong bag pack.

"Nand'yan na sila sa baba, tara na." Ngumiti ako, nalundag pa, na eexcite ako! Malay mo sumakay kami sa ferris wheel tapos sabihin niya mahal niya na ako. Lalo akong natawa sa iniisip.

"Oh my Gosh, its always the two of you are late!" Napahawak sa sintido si Krianne. Mukhang kanina pa nag aantay sa lobby.

Natawa naman ako at nauna maglakad kay Kleau. "Sorry na, namili pa kami."

"Namili rin si Fay at Alli, kaya no probs na sa food." Naglalakd na kami papuntang parking lot, nang tumingin ako sa relo ko, wala pa namang 10! 9 palang! Halatang mas excited pa sa akin de w!

Nang makarating kami sa Van na nirentahan, nandoon si Aki sa driver-seat, kumaway ito samin at may malaking ngiti. Si Sciana ay nasa front seat halatang ayaw humiwalay. Si Alli ay nasa likod at si Fay ay nasa may gilid ng bintana, nakapikit at may earphone.

Ang mga pagkain ay nasa pinaka likod ng Van. Pito kaming pupunta roon sa EK, mas marami mas masaya siyempre! Agad akong umupo doon sa malapit sa bintana, si Kleau ay sumunod sa tabi ko, si Krianne ay katabi ni Alli.

"Maaga kayo nagising? Buti nakapag rent ka agad." Sumilip ako kay Krianne na nasa likod namin.

"Connections, Hye." She winked and grinned.

"Social butterfly things." Tumawa ako at nakipag apir sa kanya.

Nagpatugtog si Alli habang nakain roon sa likod. "Unang araw palang, minahal na kitaaa..." Sabay sabay namin kanta, sinabayan ng tawanan. "Bakit ba ganito ang aking nadama."

Kinuha ko ang plastic bottle na walang laman at ginawa itong mic para kunwari nag c-concert kami rito.

"Di man kita lubusan pang kilala," Hinawakan ko ang dibdib ko at madramang itinuturo si Kleau. "Eh, ano naman basta mahal kita..."

Natawa siya roon at umiling iling. Lahat kaming babae ay nasabay sa kanta, si Aki ay natawa sa driverseat at mukhang pinag t-tripan si Sciana.

"Walangya mong tugtugan 'yan." Napamura si Fay nang marinig ang Banyo Queen.

"At ang sabi niya sa 'kin, Ahh-Uh-Ahh-Ahh." we uttered in chorus, natawa naman sila nagbatuhan na ng tissue.

"Kleau, Kleau, sige pa sige pa!" Mas walanghiya kong kanta, doon na siya tumawa ng malakas ganoon rin sila Sciana at Aki sa front seat.

"Tangina, ang dugyot, Hyera!" Hinila ni Alli ang buhok ko sa likod kaya natawa ako lalo.

Tumawa ako ng malakas at nasamid sa sarili laway, sa gulat ni Kleau at marahang hinampas hampas ang likod ko habang ang isang kamay ay nakuha ng tubig.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat