W.E 18

5 0 0
                                    

Warm Embrace

Fall


"Huy," pinindot pindot ko ang braso niya, "Kleau, pansinin mo na ko..."

Hindi niya ko kinibo kaya napanguso ako, ang sungit! Parang nag back to zero kami! Hala! Ano bang nagawa ko? Inisip isip ko kung saan ang maling nagawa o nasabi ko, baka na offend ko siya!

"Anong nagawa ko, Kleau?" Taka kong tanong tinititigan pa rin siya, hindi man lang ako tapunan ng tingin!

"Nothing." He said in monotone.

Mabilis akong umiling, nope, hindi mo ako mauuto sa ganyan. Alam ko na iyan. Nang maalala ko kung anong nasabi ko bago siya nagka ganto, imposible...

"Galit ka ba? Kasi sinabi kong friends tayo?" Marahan kong sabi, kinakabahan ako! Ewan ko ba.

"No." Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sagot niya.

I never call him this, this is the first time. Last card na 'to! Gumana ka, please! Tsaka friends n'ya lang kasi natawag sa kanya nito, so hindi ko alam kung magkaiba ba 'yon ng kalalabasan 'no.

"Ky?" I softly called him, hoping that it would work.

Mabilis siyang tumingin sa akin, bahagya pang nagulat, nakaawang ang labi, tumigil rin kami sa gitna nitong tubig. Hindi ko alam kung anong uri ng tubig basta ito.

He shallowed hard and look away, "Po?"

Imbis na ako ang manuyo, pakiramdam ko ang ang nasuyo! Kailangan kong alamin 'no! Gusto ko tanungin!

"Yung kanina, what are we?" Mahina ang pagsasalita ko.

"You mean?" Hindi ako makatingin sa kanya, napalunok ako. Paano ko ba 'to sasabihin!

"I already told you that i like you," Bahagya kong kinagat ang pang ibabang labi sa nerbyos."Do you... Uh, feel the same way?" Nakatingin na ko sa kamay kong naglalaro, I can't see his reaction.

I heard his sighs, the strong beating of my heart could not be stopped. "If it wasn't obvious i already like you, Hyera."

Hindi ko alam kung naka ilang mura ako sa isip ko! Tang ina? Gago? Malaki ang mga mata ko nang tignan ko siya, nakaawang ang labi ko at talagang hindi makapaniwala.

"Ulit, ulitin mo." I blink once, twice, thrice.

"You heard me." He shallowed. He's not really a vocal person.

Mabilis lumaki ang ngiti sa mukha ko dahil doon, nakatingin ako sa kanya habang kumuha ng chips dahil pakiramdam ko sobrang saya ko.

Iba pa rin kapag sinabi ng diretso sa akin 'no! I mean, ramdam ko oo, pero 'yung sasabihin mismo is different kind of what I'm expecting!

"So, ano?" I paused, "Kailan kita pwedeng pakasalan?"

Malakas ang naging tawa ko nang tumingin siya sakin ng hindi makapaniwala. "Kleau, ako lang to, si Hyera, crush mo." I happily said.

"Stop, Hye." He said getting embarrassed.

"Ang cute mo, eh. Pa kiss nga." Umamba akong lalapit kaya umurong siya na para bang may virus ako! Mas lalo akong natawa.

"Kleau, alam ko naman... hays, small things," I teased more.

"Hyera, stop it, please." Napansin kong namumula ang tainga niya.

"Is it your first confession?" Gulat na sabi ko, base sa nakikita ko hindi nga siya sanay!

Marahan siyang tumango at lalong namula, ang maputing mukha ay nabahiran ng pula kaya natawa ako na kinikilig! And it was me!

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now