W.E 26

19 2 1
                                    

Warm Embrace

Baby


"Sleep now, love."

Parang tanga akong nakangiti at naka titig sa kanya habang sinasabi n'ya iyon. Naasiwa na ata sa itsura ko dahil kanina pa ako ganoon.

He kissed me on my forehead, awtomatikong pumikit ang mga mata ko at lalong yumakap sa kanya. Kami na... Ang sarap pala sa feeling! Ang tagal kong pinag isipan yung date ha! March 26!

Marahan n'yang hinahaplos ang buhok ko at nakatitig sa akin. Mabilis akong nakatulog roon, nakakaantok pa naman pag ginaganoon ang buhok.

Nagising ako kinabukasan, unan nalang ang yakap ko at maayos na nakalagay ang comforter. May sinag ng araw pero hindi naman masakit sa balat.

"Morning." Kleau said in his bedroom voice, Napatingin ako kay Kleau na kapapasok lang sa kwarto at may dalang pagkain, iyong niluto n'ya.

Bahagya akong bumangon, magulo pa ang buhok at siyempre sabog pa. Inilapag n'ya ang pagkain sa side table, ako naman ay itinaas ang braso para yumakap. Narinig ko ang mahina n'yang tawa tsaka ako niyakap.

"Kain na tayo." Pinatakan n'ya ng halik ang pisngi ko bago inayos ang magulo kong buhok, ang gandang bungad naman nito sa umaga. Hay... Pakasalanan ko na kaya s'ya?

"Will you marry me?" Mahina kong sabi bago natawa rin. S'ya naman ay mahina ring natawa bago kinuha ang pagkain. Napaka random ko talaga!

"Palagi bang ganito kapag dito ako matutulog?" Tanong ko habang tinitignan ang mga pagkaing nasa harap, luto n'ya iyon, alam ko ang luto n'ya sa order sa labas.

"Kung parati ka ring nandito." Siya na ang kumuha ng kutsara at sinubuan ako ng sinangag na luto.

"Pag mag asawa na tayo, kung sinong unang magising s'ya magluluto ng umagahan." Nanguya kong sabi, iisang spoon lang ang nandito, kaya halinghinan kami, s'ya ang nagsusubo sakin ng pagkain. "Kaya palagi akong magpupuyat para ikaw palagi."

"I don't mind cooking for you every time." Kibit balikat niyang sabi, "Okay lang sakin."

"Basta ganoon! Oh kaya, ako maglalaba tapos ikaw mag sasampay." Natatawa ko pa rin na sabi, para akong tanga na nag paplano ng gawaing bahay namin para sa future.

Mabuti ng advance! Malay ko ba kung bukas makalawa asawa ko na s'ya diba. Tumango tango siya at sinubuan ulit ako ng pagkain.

"Gusto kong color ng bahay, pink!" Tumawa ako roon, "Pastel pink, ha, ayoko ng hot pink, ang sakit sa mata. Or kaya, color purple, pastel pa rin siyempre."

"Tapos an—" Nasamid ako! Ubong ubo ako habang hinahampas ng mahina ang dibdib ko, si Kleau naman ay natarantang kinuha iyong tubig niya at inabot sa akin. Mabilis kong kinuha sa kanya iyon, ang laki ng nakabara sa lalamunan ko!

"Eat first, Hyera." He looked intently at me, napa nguso ako ng matapos inumin, "Eat first then tell me your plans."

I widely smiled, O, sige! E di mamaya nalang, madami akong plano para samin! Akala mo naman talaga ay mag asawa na, first boyfriend ko si Kleau, ayoko mag isip ng bad shits 'no, positive lang dapat tayo.

Sinubuan n'ya ulit ako ng pagkain, marahan n'ya pang inalis ang kanin na nasa labi ko at sa gilid ng labi, napakurap ako sa galaw na iyon, hindi naman ako namumula pero expressive talaga ako, makikita kung paano matigilan o mainis. Lahat lahat.

"Ang ganda mo." I felt like my cheeks blush because of a sudden compliment. Busog na busog ang puso ko at tainga ko sa mga nangyayari!

Napangiti naman siya sa reaksyon ko, napansin niya atang nahiya ako at bumagal ang pag nguya! Ikaw ba naman sabihan ng ganoon bigla! Hindi ako prepared.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now