W.E 32

3 1 0
                                    

Warm Embrace

Sunset


"Kleau tayo na nga lang." hinigit ko si Kleau sa tabi ko at nakuhanan agad ng litrato. Napatingin ako sa bewang kong sinasakop ng kanyang braso. Sobrang nipis ko naman ata kapag s'ya ang katabi ko.

"I'll take a picture of you." Kinuha n'ya ang cellphone n'ya sa bulsa ng shorts. "Do whatever you want."

Whatever you want pala e, edi kung ano anong post ang gagawin ko. Madali lang 'yan!

"Let's go there." Itinuro niya ang mababaw na tubig ng dagat na may katabing mga bato na malaki.

"Kahit ano, ha!" Sabi ko at nagsimulang umupo sa bato.

Ngumiti ako at nagsimulang mag pose, may fierce at nakanguso. Mayroon ding naka wacky at nag papa-cute pa sa camera. Natawa naman s'ya sa ginagawa ko.

"Hyera!" Mabilis na tumama ang malakas na hangin sa aking balat dahilan para sumabog lalo ang buhok ko, tinanggal ko kasi ang tali ni Kleau para maganda yung shots 'no! Napatingin ako kay Dia na tumawag sa akin at nangiti.

Sandali pa akong nag ayos ng bikini at ikinumpol ang buhok para itali sana ulit.

"Mag handa na daw para mamaya!" Sigaw ulit ni Dia.

Mabilis akong tumango. "Okay! Sunod kami!"

"Let me do it." Lumapit si Kleau sa akin para s'ya ang mag ayos ng buhok ko. Hindi na ako umapila at ibinigay sa kanya ang pamuyod.

"Cute naman ng baby, nagmumuka ng Daddy." Tumawa ako ng malakas. Habang s'ya ay napailing lang.

Nang matapos iyon, mabilis rin kaming sumunod sa loob para nga mag ayos. Bumungad sa akin si Mommy pag labas ko ng pinto, may dala s'yang brochure, naglalaman iyon ng iba't ibang night dress.

Mommy approached me with a big smile on her lips. "How's my Verity? Are you enjoying?"

"Yes, My! Kahit ang init sa labas, enjoy naman." Nakangiting sabi ko, hinawakan n'ya ng bahagya ang pisngi ko.

"Halata naman sa pisngi mong nagsisimula ng mamula, hindi ka naglalagay ng sunblock 'no?" Natigilan ako roon. Natawa siya ng mapagtanto sa reaksyon ko. Nakalimutan ko! Masyado akong nadala sa beach! Ah-ah 'yan!

"Mommy, nakakatampo ka!" Ngumuso ako sa kanya, she arched her brows, curious now, "Hindi mo ko chini-chikahan tungkol kila Kuya! 1 month?! Grabe, ang tagal na."

"Sinong hindi umuuwi?" She gave me a winning look.  Mas lalo akong napanguso. Sige na! Kasalanan ko rin naman kasi! Pero hindi ko alam 'no, in denial pa man din si Kuya Hyori palagi tapos pag putok ng bola, sila na?

"Anyway, love. Mamili ka rito para may maisuot ka mamaya sa event. One is formal and one is beach themed, okay?" Inabot n'ya sa akin ang brochure.

"Okay!" Agad kong binuklat iyon para makapamili.

Sobrang daming type ng dress dito. But i want a Maxi dress because why not coconut. I picked Cowl Neck Backless Maxi Dress, colored white.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now