W.E 15

13 2 0
                                    

Warm Embrace

Babaliwin mo ako


"Lulutuan kita later, pwede?" Curious kong tanong.


"Nasa bahay ako mamaya," Napalunok niyang sabi.

"Ay ganoon, so wala ka." Ngumuso ako, "Eh, bukas?Pwede ka?"

"What are you planing?" Bahagya siyang tumingin sa akin, nanghuhusga ang mga mata, iniikot ikot niya sa daliri niya ang susi ng kotse niya.

"Wala ah, EK tayo!" Gusto ko biglang mag EK, huling punta ko roon, siguro mga elementary pa ako. Parang naisipan ko lang bigla na mag EK kami, magulat nalang sila Mommy nakaabot na 'ko ng Laguna.

"Okay." I smiled, Yes!

"Patambay sa 'yo." I cutely smiled at him.

"Wala kang gagawin sa unit ko." Ngumuso ako, meron kaya!

"Mayroon! Panonoorin ko bawat galaw mo." Malawak ang ngiti ko, bahagya pang nawawala ang mata kapag nangiti.

He bit his lower lip to hid a smile when he saw me smiling widely at him but i caught him, I snorted to stifle a smile.

"Dito na 'ko," Nang palabas ako sa elevator bigla rin akong tumigil nang hawakan niya ang palapulsulan ko, napakurap ako nang tumingin sa kanya.

Tumikhim sya, "What time tomorrow?" He looked away nahihiya na.

Pigil ngiti ko syang tinitigan. "Hmm, mga 10 AM,"

Binitawan niya ang pulso ko at tahimik na tumango, seryoso na ulit ang mukha.

"Huwag mong pormahan masyado ha, baka isipin ko date natin 'to." Sigaw ko bago magsara ang elevator, hindi nakaligtas sakin ang ngiti niya bago iyon magsara.

"EK tayo!" Bungad ko sa video call sa gc namin.

"Ano bang topak ang meron kayo these days?" Hindi makapaniwalang sabi ni Sciana.

"Libre ko na entrance! Tapos ambagan sa pagkain, ano, G?" Excited pa rin na sabi ko. Aba minsan lang to!

"Sus, gagamitin mo lang kami para makasama si Kleau,e." Umismid si Alli.

Tawa nalang ang naisagot ko, itatanggi ko pa ba? Miss ko na siya ulit. Sa huli ay pumayag na rin sila, ako na sa entrance tapos ambagan sa pagkain aba! Pag nakatunog ng libre yang mga 'yan, g agad!

"Kaninong kotse gamit? Van nalang! I'll rent." Suggestion ni Krianne, agad kaming sumang-ayon.

"Sinong mag d-drive? Scia, isama mo si Aki para may driver tayo." Sambit ni Alli, natatawa.

"User." Bulong ni Sciana pero hindi nakaligtas sa pandinig namin, lahat kami ay natawa.

"Walang pagkain, ang baho naman kasi ng trip nito, eh! Biglaan. Mag grocery lang ako sandali, para kahit chips meron tayo." Si Alli iyon.

"Ako rin! Ang layo noon! Maisipan nyo talaga..." Iling iling na sabi ni Fay.

Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa excitement, maaga rin akong nagising.

Mga 8 palang naman, kahapon masyadong sumabog ang puso ko. Feeling ko takaga crush na ko nito, complicated lang.

Naglinis muna ako, hindi na ko kakain, mamimili ako mamaya sa baba ng grocery. Pag tapos kong mag linis, mabilis akong nag ayos ng mga dadalhin ko, pati power bank! Alam kong mag picture taking kami, pamalit ng damit nagdala rin ako tapos yung mini fan na de-charge. Mainit pa man din.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now