W.E 29

12 2 1
                                    

Warm Embrace

Kwarto


"Mom, I'm home!"

Sigaw ko sa bahay nang makauwi ako, i think nandito sila dahil s'yempre Summer naman.

"Hyera, wala ang Mommy at Daddy mo. Nasa Company." Si Dia ang bumungad sa akin sa bahay.

She was wearing her usual, shorts and an oversized t-shirt. Naka pony-tail ang buhok, she was also wearing her usual cold stare. Saliwa naman noon ang labi, kahit malamig ang itsura.

"Ganda natin, ah." Ngumisi ako sa kanya. Nadako naman ang tingin ko sa yapak na narinig ko sa likod ni Dia.

Kuya Hyori na bagong ligo, magulo pa ang buhok, topless at naka sweatpants lang. Akala mo ay walang babae rito.

"Ginagawa mo dito?" Inangatan n'ya ako ng kilay.

Nasira ang ekspresyon ko at inangatan din s'ya ng kilay.

"Bakit? Bawal akong umuwi, ha?" Pagtataray ko.

"Wala sila Mom. Mas pineprepare na party sa kumpanya." Sabi n'ya at dumiretso sa may fridge para kumuha ng maiinom.

"Ay ganon, Edi aantayin ko nalang sila." Umupo ako sa sofa. Sumunod sa akin si Dia pra umupo sa tabi ko.

"Miss na miss mo 'ko, ah?" Sabi ko at niyakap s'ya. Natawa naman s'ya.

"Siyempre! Ang tagal mong di umuwi 'no! Kulang nalang pati ako ay mag tampo na." Dia faked her sadness.

"Dia, huwag tayong maglokohan dito." Pabiro ko siyang inirapan. "Kuya Hyori, hindi mo ba inaalagaan 'to?"

Umangat ang kilay ni Kuya at inilapag sa table na maliit ang snacks, ice cream at juice, may roon ding tubig.

"Kumain ka nalang." Umupo si Kuya sa tapat at kumuha ng ice cream.

Nang matapos s'ya sa pag sandok ng ice cream, inangat niya ang baso at iniabot.

"Oh." Inangat ko ang kamay ko para kunin. "Ditrice."

Napakurap ako, ganoon din si Dia. Naiwan pa sa ere ang kamay ko. Thats... That's her first name! Bahagyang napaawang ang labi ni Dia, habang kinuha ang baso na may ice cream.

Walang umimik sa amin pagkatapos noon kaya nagkasalubong ang tingin ni Kuya sa akin.

"Oh," iniabot n'ya sa akin iyong ice cream na kalalagay lang.

Grabe naman 'to! Ano? Walang napasok sa isip ko. Basta pinagmamasdan ko lang si Kuya Hyori na titigan si Dia, si Dia naman ay walang pake at hindi ito tinatapunan ng tingin.

I decided na tumawag nalang kay Mom, pagabi na at wala pa din sila.

"Mom. Nasa house ako now."

[Oh my! Why didn't you tell us earlier?] Gulat ang boses at parang dismayado pa.

"I wanted to surprise you but unfortunately busy kayo ni Daddy."

[Yeah, we will have a celebration for company. Its our companied 48th Anniversary, honey.] I can sense her excitement.

[Bring Kleau with you, Hye.]

"Alright. See you on that day Mom. Love you!" I ended the call immediately when Mom says i love you too.

"Kuya, Dia. Uuna na ako." Nagpaalam ako at nginisian sila. Pag naging sila talaga ay mag papa-party pa ako.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now