W.E 08

7 1 0
                                    

Warm Embrace

Instagram


After kong mag dinner doon, umuwi rin ako kaagad. Kailangan kong asikasuhin ang mga projects ko! Lahat may due date at lahat din malapit na, kailangan ko na mag simula kung hindi ma la-late ako!

Dean's Lister pa naman ako tapos ma la-late, ayokong mabahiran ng dumi ang pangalan ko, sabihin ang Kuya ko Latin Honors tapos ako ganito lang.

Nang matapos kong ayusin ang mga kailangan kong dalhin, binuksan ko ang messenger ko at tinignan ang mga kalokohan nila.

Enaria Alliana:  Aba ang mga bruha, seernerist.

Enaria Alliana: Matulog na nga lang kayo wala naman kayong kalandian.

Enaria Alliana: Sige, seen niyo lang ako. Ayos 'yan.

Krianne: Nag-aayos ako nang dadalhin ko bukas na gamit sa lib.

Sciana: Same, hinahanap ko pa 'yung mga gamit ko.

Me: Hahalungkatin ko pa ang mahiwagang baul.

Fayzien: Ang ingay niyo.

Fayzien: Nagbabasa ako.

Enaria Alliana: Seryoso talaga kayo sa pagaaral sa Library?!

Sciana: Oo naman, ikaw lang naman ang hindi sineryoso.

Nag haha react kami dahil sa sinabi niya, pinaka bata sa amin pero kung makapag salita.

Enaria Alliana: Pasmado talaga ang bibig ma'am.

Me: Pag kasi na ghost, shut up nalang.

Enaria Alliana: Nagkakasundo talaga kayo kapag puro katarantaduhan sa akin 'no?

Fayzien: Ganyan talaga pag others.

Enaria Alliana: Ang sakit niyo ba talaga, hindi na kayo yung dating nakilala ko.

Sciana: Hindi pa, papaaalam palang akong matutulog na.

Me: Sana all

Me: Nga pala, what time tayo bukas?

Krianne:  Umaga, mga 8 Am, tapos after lunch.

Enaria Alliana: See you bukas!

Sciana: Sana kahit manlang sa panaginip, may mga shota kayo.

Nag-haha uli kami sa chat ni Sciana.

Pagka gising ko nung umaga naligo at nag ayos agad ako, bitbit ko ang mga gamit na kakailanganin ko mamaya, kung hindi man matapos ay itutuloy ko nalang mamayang gabi. Magpupuyat ako.

Hanggat wala sila ay nandon ako sa Starbucks malapit sa school namin, sa La Salle. Lahat kami ay sa DLSU nag aaral, sinundan kami ni Alli nung tatlo.

Umorder ako ng gusto ko saka binuksan ang cellphone ko, nagtungo sa Instagram para tignan kung finollow back na ba ako ni Kleau.

Scam! Hindi naman naka followback! Naka follow request pa rin ako, salubong ang kilay at nakanguso.

May mga pumasok ibang studyante pero sadyang hindi maalis ang tingin ko sa profile ng taong 'to. Nakakatampo naman, suyuin mo 'ko ngayon char.

"Zen, bro! Nasaan na ba ang kaibigan mo? Pa vip pa rin talaga." Napatingin ako sa gawi nang makarinig ng pamilyar na pangalan. Zen? Naka FEU uniform ito, nakangiti at kasama ang ilang estudyante ng taga La Salle, may iba pa siyang kasama na naka UST uniform, mga barkada niya siguro roon.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum