Prologue

143 6 1
                                    

Party of Five #1 - Warm Embrace

————


Warm Embrace Prologue


HYERA VERITY STACEY


Hindi lang ako.


[Kita tayo sa Cafe malapit sa ospital, p're.]

Bungad sakin ni Alli pag balik ko galing duty. Tumaas ang kilay ko. Minsan na nga lang mahagilap, akala mo naman ay pa VIP itong kaibigan ko.

"Sakto, katatapos lang ng duty ko, Anong oras ba?" Sabi ko habang inaalis ang coat na suot ko, nagpapahinga lang ako sandali total tapos na naman duty ko.

[Ngayon, nandito na 'ko, dalian mo, ayoko ng mabagal.] Wow. Akala mo talaga sa babaeng 'to.

"Kapal mo, sis. Sandali naman." Umirap ako kahit hindi nya nakikita.

She chuckled but later on i heard a sudden choke. Deserve.

"Palabas na ko, Bye." Kinuha ko ang purse ko at inilugay ang buhok, tumingin pa 'ko sa salamin para makita kung Doctor pa ba itsura ko o mukang pasyente na.

Nang ma satisfy ako ay ngumiti ako ng matamis sa salamin tsaka ipinasok sa purse na dala ko.

Ganda ko talaga. Wow, narcissistic.

Nilakad ko lang ung Café dahil walking distance lang naman sa ospital. Pag pasok ko palang nasa akin na ang tingin ni Alli, kumakaway pa habang nakangiti. Parang hindi modelo sa ugali n'yang 'yan, e.

"Buti may oras ka ngayon?" Sabi nya nang makalapit ako sa table.

"Katatapos lang ng duty." Inirapan ko sya ang tumingin sa menu na nasa table namen. "Daming oras, ah. Walang runaway?"

"Wala, 'te. Sa susunod pa ata?" Hindi siguradong sagot n'ya. "Guest lang naman ako, duh."

Kaya pala maluwag ang schedule at nag aya makipag kita sa 'kin. Madalang ko s'yang mahagip sa ganitong lugar dahil sa labas ng bansa nag iikot.

"Gusto mong update sa ex mo?" Nginitian n'ya 'ko, umikot ang mata ko at itaas ang kamay para mag order.

"Mocha Frappe please and two cookies." I smiled the waitress take down my order and smile.

"So kumusta trabaho? Workaholic era slash dry season." She said and take a bite in her cheesecake.

"Natural na subsob ako sa trabaho, at higit sa lahat ang baho mo mamili ng words, letse ka." Nakanguso ako sa kanya. "I can't even make time for myself, party pa kaya."

"Hindi mo naman ikamamatay kung magpapahinga ka." Seryosong sabi nya.

"Wala akong time." Malamyang ngiti ibinigay ko sa kanya. "So much free time for being a model." I teased.

"Don't be so hard on yourself. May pahinga ka," tumigil sya sa pag kain at tumingin saken, napatingin din ako sa kanya nang masilayan ang nakakalokong ngisi.

"Miss Hyera!" Napatingin ako sa counter nang tawagin ang pangalan ko. Tumayo ako at nagpunta ng counter. Agad na nagbayad, pagka-kuha ko ng sukli, bumalik din agad ako sa table namin.

"O baka naman sa iba mo nilalaan ang oras ng pahinga mo, hmm?" Talagang hindi pa tapos ang sinasabi at nadugtungan.

Ngiting matamis ang iginawad n'ya sa akin. Tumaas ang kilay ko, sino namang sinasabi nito? Kita ng subsob na nga sa trabaho 'yung tao rito, oh.

Warm Embrace (Party Of Five Series #1)Where stories live. Discover now